^

PSN Showbiz

Dayanara, na-miss din si Aga!

- Veronica R. Samio -
Kakatuwa naman ang mga kapatid ko sa hanapbuhay, gustung-gusto nilang itanong kay Dayanara Torres si Aga Muhlach pero, dahilan sa naririto ito sa bansa bilang image model at endorser ng Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute na hawak ang franchise sa bansa ng mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez kung kaya atubili silang tanungin ito ng diretso tungkol sa naging relasyon nila ng aktor may walong taon na ang nakakaraan.

Natatawa na lamang si Dayanara na feel ang mood ng mga movie writers na marami ay nakaibigan niya nung limang taon na nanatili siya ng bansa, pero umiwas din sya na sagutin ng diretso ang tanong kung sinong tatlong tao na na-miss niya ng husto sa bansa. Sinabi na lamang niya na yung mga nakatrabaho niya tulad nina Cesar Montano, Gary Valenciano at Aga Muhlach. Na-miss din daw niya at gustong makita ang mga taga-ASAP, tauhan ng ABS CBN at maging ng ABC 5 kung saan ay naging host siya ng Eezy Dancing.

Obvious naman na happy si Yari sa kabila ng pakikipaghiwalay niya sa kanyang Puerto Rican husband na si Mark Anthony. Bakit naman hindi eh may dalawang anak siyang lalaki, sina Christian Anthony, 5 y/o at Baby Ryan, 3 y/o. Hindi niya sila kasama kaya naman sandali lamang siya rito, hands on siya sa pag-aalaga sa dalawang anak.

Isa nang matagumpay na modelo at aktres sa Hollywood si Dayanara. Sa US na rin siya nakatira. Sa Disyembre ay ipalalabas na ang kanyang TV series na ginawa sa FOX na may pamagat na Watch Over Me. Bago ito ay lumabas siya sa seryeng The Young & the Restless at sa theater, sa Cinderella at Peter Pan.

Kasama nina David at Jessica na bumubuo ng management team ng Beverly Hills 6750 si Dr. Eduardo Santos., may 15 taong karanasan bilang doktor at academician at siyang mamumuno ng highly-qualified, all genuine board-certified group of doctors.
* * *
Kung meron pang tumatawad sa kakayahan ni Gerald Santos para maging grand champion ng Pinoy Pop Superstar, papawiing lahat ito ng kanyang album na " A Day on the Rainbow" na ginawa ng GMA Records at ipinamamahagi ng Ivory Music & Video.

B
agaman at wala itong mga sky high notes na palaging hinahanap sa mga singers ngayon para masabing talagang magaling, Gerald settles for a toned down approach na magpapaalala sa ating lahat kay Jose Mari Chan. Tulad ng title track at first single na kinuha sa album, ang "A Day on the Rainbow" na sinulat ni Rebel Magdagasang.

Parang in love na in love si Gerald na kantahin ang "I Believe" gayong inamin niya na puro make believe emotions of a man in love lamang ang pinakawalan niya.

Simple rin pero napakaganda ng pagkakaawit niya ng "Di Sinasadya", "Ikaw", "Mahal Kita", "Kahit Isang Saglit", "Nang Minsan Pa", "Isa Pang Pagkakataon" at "Puso Ko, Buhay Ko".
* * *
E-mail: [email protected]

A DAY

AGA MUHLACH

BABY RYAN

BEVERLY HILLS

BUHAY KO

CESAR MONTANO

CHRISTIAN ANTHONY

COSMETIC SURGERY AND SKIN INSTITUTE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with