Pia, aprub kay Danica para kay Vic!
October 14, 2006 | 12:00am
It was my first time to hear Danica Sotto sing, magaling pala siya. May boses at kapag kumakanta, she reminds everyone of her mom Dina Bonnevie. Marami siyang mannerisms na kamukha ng sa nanay niya. Hindi kataka-taka na halos magkasunod na inilabas ng Dyna Music na pinamumunuan ni Howard Dy ang kanyang CD 45 na nagtataglay ng mga awiting "Paulit-Ulit" at "Fallin In Love" at ang kanyang full album titled "Fragile Heart" na may 11 tracks.
Favorite songs ni Danica sa album ang "Everytime", at "You Are Mine" at inihahandog niya ito sa kanyang boyfriend of eight months at soon to be husband in the very near future, ang basketbolistang si Mark Pingris whom she finds sobrang humble, sobrang maalaga at palaging ipinaaalala sa yaya niya ang pag-inom niya ng gamot at di pag-inom ng bagay na malalamig.
Her "Fragile Heart" album was launched last Thursday night at the Metro Bar. Everyone was looking for her dad Vic Sotto at hindi naman sila nabigo, sa ikalawang kanta ni Danica, dumating ito kasama ang current girlfriend niyang si Pia Guanio.
"I would love to be her friend. Im happy for her at sabi ko kay dad, aprub ako as long as hes happy," sabi ni Danica.
Other cuts from "Fragile Heart" are "Alaala", "Dream Kita", "Huwag Naman Sana" at marami pang iba.
Ang Hotdog ay naging popular na banda nung 70s at nagpauso ng tinatawag na Manila Sound.
Dumating sa premiere sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, Cesar at Romel Montano, ang PBB ladies na sina Say Alonzo, Chx, Cass Ponti at Nene Tamayo, Chynna Ortaleza, Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Liz Alindogan, Dina Bonnevie, QC Mayor Sonny Belmonte, Vice Mayor Herbert Bautista at ang buong konseho ng Lungsod Quezon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
October 18, 2026 - 12:00am
October 16, 2026 - 12:00am






















