Meryll, Bernard, nagpakasal!
September 11, 2006 | 12:00am
So in love nga siguro sina Meryll Soriano at Bernard Palanca, kaya kahit ayaw ng family ni Meryll na magpakasal agad ito, itinuloy din nila ang plano, dahil suportado naman sila ng family ni Bernard. Meryll naman is 24, Bernard is 26. A day before naganap ang kasalan, nakita pa ng aming source si Becbec, ang Mommy ni Meryll, kasama si Maricel Soriano sa ABS-CBN, pero hindi na raw siya nagkaroon ng chance na matanong ito tungkol sa sabiy umalis na sa kanilang bahay si Meryll at tumira na kay Bernard, dahil umalis agad ito at katwiran daw nito ay hinihintay na si Maricel sa taping ng John En Shirley.
Nang ikasal naman sina Meryll at Bernard ni San Juan Mayor JV Ejercito, gusto pa sana nila itong ilihim, pero madaling nag-leak sa press, kaya pumayag na rin ang stepfather ni Bernard, si Dr. Lorenso Hocson na ma-interview si Mayor JV tungkol sa kasal. Isa nga raw sa tumayong sponsor ng bagong mag-asawa ang dating beauty queen actress na si Maritess Revilla Araneta at present din ang nakababatang kapatid ni Bernard, ang aktor na si Mico Palanca.
Sa pagpirma nga pala nina Ogie at Regine sa Universal Records para sila ang mag-release ng kanilang IMusic, hindi kaya magtampo ang GMA Records sa kanila?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















