^

PSN Showbiz

LJ, Alfred, takot aminin ang relasyon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tuwang-tuwa si Robin Padilla sa pagkakapanalong best actor sa Urian para sa La Visa Loca. Dapat, lalabas sila ni Regine Velasquez to celebrate his winning after the awards night pero, dahil under medication pa rin ang singer-actress, si Mr. Tony Gloria ng Unitel ang nag-blowout sa kanya.

Mas ganado ngayong magtrabaho si Robin dahil sa acting award at ang feeling, ngayon lang siya sineryoso ng industry. Dahil feeling high sa kanyang career, hindi kami magugulat kung agad masundan ng panibagong pelikula ang Til I Met You nila ni Regine.

Tsismis ito! Sabi nang nakasaksi sa shooting ng dalawa sa Tagaytay, parang tinototoo nila ang love scenes. Grabe silang magyakapan at parang may relasyon kung kumilos. Kuwela ang sagot ni Robin nang tanungin kung bakit mas free siyang makipag-lambingan kay Regine ngayon kesa noong gawin nila ang Kailangan Ko’y Ikaw five years ago.

Sabi nito: "Kasi noon, tatlu-tatlo ang asawa ko."

Nag-isip ang nagtanong kung sino pa bukod kay Liezel Sicangco ang dalawang naging asawa ni Robin. Gusto nitong maniwalang totoo ang tsismis sa kanila ng isang sexy star at pinakasalan niya ito.

Kung masusunod ang sinabi ni direk Mark Reyes na tatapusin niya within 13 days ang Til I Met You, seven days na lang ang natitira sa shooting dahil six days na silang nakapag-shoot. Habol kung ganoon ang tina-target playdate ng GMA Films na October 11.
* * *
Malapit nang magsawa ang tao sa kadi-deny nina Alfred Vargas at LJ Reyes sa kanilang relasyon. Tila nahihirapan ang dalawang sabihing sila na gayong wala namang problema dahil pareho silang single. Huwag sana silang magaya sa ibang showbiz couples na saka lang umaamin ‘pag break na. Bakit ka nga naman mag-i-invest ng emotion at time kung friendship lang ang habol nila sa isa’t isa?

Tama na ang ka-ek-ekan ni Alfred na "Masaya ako ‘pag kasama ko si LJ" na sinasagot ng dalaga ng "He makes me happy." Wala naman silang loveteam na dapat alagaan dahil nakakapag-trabaho pa rin si Alfred with Diana Zubiri.

Sa side naman ni LJ, existing pa rin ang love team nila ni Mike Tan at sila nga ang magka-partner sa digital movie ng Regal Films at GMA Films na Anino. Horror movie ito na ididirek ni Rahyan Carlos.

Sa December, muling dadalaw si LJ sa mommy niyang based in New York at doon na rin yata magpa-Pasko at magsi-celebrate ng kanyang birthday (December 25). Nang makipagkita si Alfred sa mom ni LJ, nagpaalam ito kung puwedeng sumama. Inulit nito ang pagpapaalam nang magka-usap sila a few weeks ago. Ayaw pang sumagot ang mom ng dalaga kaya, Alfred, kulit-kulitin mo si Lalaine.
* * *
Natawa kami sa tsika ng isang reporter na pagwawala ng isang senior character actress nang mawala ang ginagamit na false eyelashes sa taping ng TV show nito. Inaayusan ng make-up artist ang actress nang aksidenteng maiwala nito ang dala nitong false eyelashes. Hindi maalala ng make-up artist kung inilipad ng hangin ng bentilador o naitapon niya ang false eyelashes, basta nawala.

Lumabas daw ang pagka-kontrabida ng actress dahil galit na galit sa make-up artist at ayaw tanggapin ang paliwanag. Kahit nag-offer itong papalitan ang linsyak na false eyelashes, ayaw pumayag ang lola.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

DAHIL

DIANA ZUBIRI

KAILANGAN KO

KUNG

LA VISA LOCA

LIEZEL SICANGCO

MARK REYES

TIL I MET YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with