^

PSN Showbiz

Dumating si Julian!

-
Narito na ang nakakakilig na Korean heartthrob ng My Girl at isa sa pinakabagong Korean box-office suspense-thriller movie na Arang, ang guwapong-guwapong si Lee Dong-Wook. Dito lamang siya makikita sa nag-iisa at tunay na tahanan ng Asianovelas sa Pilipinas, ang iyong kapamilya, ABS-CBN 2.

Mas kilala bilang si Julian sa Koreanovela sa Kapamilya Primetime Bida na My Girl, si Lee Dong-Wook ay narito sa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN at Korean film production house DRM Entertainment at talent management company na Lee Members.

Piling-piling mga bansa sa Asya lamang ang kanyang bibisitahin upang imbitahan ang lahat na suportahan siya sa kanyang pinakabagong pelikula na pinamagatang Arang na mapapanood sa Asya.

Gaganap bilang isang detective si Lee Dong-Wook na mai-involve sa isang misteryosong imbestigasyon. Para sa direktor ng pelikula na si Ahn Sang Hoon, ang Arang ay nagpapakita ng tindi ng kagustuhan o pagseselos na maaaring mauwi sa isang paghihiganti. Makakasama niya sa pelikulang ito ang sikat na movie star at television actress na si Song Yoon Ah.

Pero siyempre, narito rin siya upang makita ang kanyang mga taga-suporta dito sa Pilipinas, para mapasalamatan sa kanilang mainit na pagtanggap sa My Girl na mapapanood sa ABS-CBN 2.

vuukle comment

AHN SANG HOON

ARANG

ASIANOVELAS

ASYA

KAPAMILYA PRIMETIME BIDA

LEE DONG-WOOK

LEE MEMBERS

MY GIRL

PILIPINAS

SONG YOON AH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with