^

PSN Showbiz

Nagbalik ang magic ng tambalang Marvin/Jolens

-
Akala ko ay patuloy kong kasasawaan ang teleseryeng I Luv NY. Noong una kasi, sawang-sawa ako sa mga kalye ng New York City. Hindi naman kasi sa pagyayabang, apat na beses na akong nagpabalik-balik sa favorite city kong ito (bukod sa Paris, France) at na-bore ako sa paulit-ulit na pagpapakita ng magkakaparehong locale.

Buti na lang at nag-improve ng husto ang istorya, lalo na ng episode nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nagkaroon ng maraming conflict, naibalik ang kilig factor at muling napatunayang pagdating sa wholesome and young comedy, wala pang tatalo kay Jolens. At walang dudang magkabagay na magkabagay pa rin sila ni Marvin. Samahan pa ng maganda ring episode nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, masasabi naming panalo ang teleseryeng ito.

Nagkaroon ng magandang conflict sa pagbibigay ng importansiya sa karakter na Wendy (na sana’y ipakilala pa nang husto sa publisidad) na kinaiinisan ngayon ng Jolens-Marvin diehards. Kaya namin nasabing sa simula pa lamang ay maganda na ang Jennylyn-Mark episode, dahil mas maganda ang lovestory ng dalawa. At mabibigat ang mga kasama nilang artista, tulad nina Tirso Cruz III, Carmi Martin, Caridad Sanchez, William Martinez at Yayo Aguila. Sa "kabila," tanging si Tetchie Agbayani ang alam naming big star na kasali.

Isa pa, malaki ang improvement sa pag-arte nina Jen at Mark. At kundi nga lamang namin alam na hindi naman nagkakamabutihan ang dalawa in real life, iisipin naming something is going on between the two StarStruck winners.

Balik tayo sa Marvin-Jolens loveteam. Kabilang ako sa naniniwalang hindi pa "laos" ang young loveteam. Nakatyempo lamang sila ng magandang vehicle, ito ngang I Luv NY, na ngayo’y tinututukan pa ng husto ng director at scriptwriter, makatitiyak na magbabalik talaga ang "magic" tambalan. Sa ngayon ay mahihirapan pang talunin ang Jolens-Marvin loveteam ng kahit na sinong tambalan.

At sana’y hindi rin mapabayaan ang pag-arte nina Jen at Mark dahil habang lumalaon, pinatutunayan ng dalawa na pwede rin silang maging mabigat na artista.

Samantala, may mga nagtatanong — hindi raw kaya "in love" si Direktor Louie Ignacio kay Marvin Agustin kaya napapaganda nito ng husto ang karakter ng magaling na aktor? Medyo nagugulat din kami sa "kaseksihan" ni Marvin sa teleserye — sa mga eksenang nakahubad ito na nagpapakita ng magandang pangangatawan. — BOY C. DE GUIA

vuukle comment

CARIDAD SANCHEZ

CARMI MARTIN

DIREKTOR LOUIE IGNACIO

I LUV

JENNYLYN MERCADO

JOLENS-MARVIN

JOLINA MAGDANGAL

MARK HERRAS

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with