^

PSN Showbiz

Aiai, hindi pa nakaka-move on

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Naniwala kaming hindi pa rin nakaka-move on si Aiai delas after ‘di matuloy ang kasal nila ng ex-boyfriend’ng si Jun Hinahon dahil kahit tumatawa’y kita pa rin ang lungkot sa mga mata nito. One month pa ang kakailanganin niya para tuluyang makalimutan si Jun na malabo na niyang makabalikan at kahit maging friends ay ‘di na raw puwede.

Ang career, mga anak at 3rd anniversary ng Klownz Araneta ang pinagkakaabalahan nito. Nang makita namin kamakailan, siya mismo ang tumatawag sa mga singer na gusto niyang mag-guest sa month long anniversary celebration. Inimbitahan nito si Manny Pacquiao thru’ Lito Camo at tingnan natin kung mapapag-guest niya ang boxing champ.

Sa July 14 at July 28 ang kanyang set at ang kasosyo niyang si Allan K ay noong July 7 at sa July 29. Kaya lang, balak nang mag-partner na ilipat sa Mall of Asia ang Klownz Araneta dahil sa sobrang mahal ng rent. Mas mura raw ang charge ng MOA kesa Araneta Center na P440,000 ang monthly rate nila. Sa upa na lang napupunta ang kinikita ng comedy bar.

Sabi ni Aiai, six months ago sila last nakatanggap ng share at patay pa ang business nila ‘pag may show sa Big Dome dahil walang parking space. Ang ipinagpapasalamat lang nila nina Allan, Lito Alejandria at Andrew de Real, wala silang utang.

Samantala, may two new shows sa ABS-CBN si Aiai kaya, malabo na siyang makalipat sa GMA-7. Gagawin niya ito ‘pag natapos ang Bituing Walang Ningning.
* * *
Ngayong Lunes na ang simula ng Ang Pagbabago, ang bagong show hosted by Diana Zubiri and Alfred Vargas. Excited na ang dalawa’t bagong field ang kanilang pinasok at kung susuwertihin, baka tuluy-tuloy na ang pagiging host nila.

Sabi’y ‘pag nag-klik ito’y baka ilipat ang show sa time slot ng Extra Challenge. Ibig bang sabihin, sina Diana at Alfred na ang bagong Paolo Bediones at Miriam Quiambao ng GMA-7?

Samantala, sa Wednesday na ang showing ng I Wanna Be Happy na dalawa sa mga bida ay sina Diana at Alfred. Siguradong maninibago ang kanilang fans sa linis ng pelikula’t wala silang kissing scene at cleavage lang ang ipinakita ng actress.

Nausisa pa rin si Alfred sa pagkikita nila ng mommy ni LJ Reyes sa New York. Nagbigay respeto raw siya at in-assure itong walang dapat ikabahala’t aalagaan niya ang dalaga. Maganda’t bata at puwede raw maging artista ang mommy ng dalaga. Ann Taylor bag ang pasalubong niya kay LJ kapalit ng jacket na ipinasalubong sa kanya nang manggaling ito ng New York noong May.

vuukle comment

AIAI

ALLAN K

ANG PAGBABAGO

ANN TAYLOR

ARANETA CENTER

BIG DOME

BITUING WALANG NINGNING

KLOWNZ ARANETA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with