^

PSN Showbiz

Dahil kay Kris, naging Kapamilya ang MYMP!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
At least, may guts si Isko Moreno na sabihin na wala namang masamang mag-casino. Sinagot ni Isko ang issue na lumabas dito last Thursday na madalas siyang maglaro ng slot machine sa Pan Pacific Hotel sa Malate sa S Files last Sunday. Wala naman daw masama sa ginagawa niya lalo na nga naman at may casino sa nasabing hotel. Sa batas daw walang masama sa ganito although admitted siya na pangit ito sa mata ng tao.

At least, inamin pa rin niya. Hindi siya deny-to-death compared sa ibang artista na may evidence na, nagdi-deny pa.

Eh ito kayang issue na nag-bounce ang check na issued ni Councilor Isko - amounting to P55,000, may maririnig kaya kaming explanation kay councilor na no doubt namang maraming nagawa sa kanyang nasasakupan since mahalal siyang councilor ng Tondo?
* * *
Uy instant superstar sina Leo Oracion at Pastour Emata, member ng Mt. Everest Expedition Team na naunang nakaayat sa pinakamataas na bundok sa mundo, Mt. Everest. Aba lahat nang makakita sa kanila ngayon, gustong magpa-picture ( including us). Bumisita kasi ang dalawa sa Star Group of Publications office kasama si DOTC Undersecretary Art Valdez at wow, very warm ang pagtanggap sa kanila.

Sobra ang reaction ng tao sa kanila dahil sa maya’t mayang paglabas nila sa ABS-CBN.

One of these days, sure na mapapanood na ang drama ng kanilang buhay sa Maalaala Mo Kaya. Hindi naman kasi puwede sa Magpakailanman dahil do’n ipi-feature ang buhay ni Romi Garduce na GMA ang back up sa pag-akyat sa Mt. Everest.
* * *
Super fun ang blow out ni Mr. Bobong Velez sa kanyang Mezze Bar sa Greenbelt 2 for Ms. Christine Dayrit, Cinema Evaluation Board Chairman last week after she was appointed chairperson of IFFCOM (Int’l Film Festival Commission). Aba sayawan to the max hanggang hatinggabi.

Dumating ang majority ng member ng CEB like Roy Iglesias, Direk Eddie Romero, Butch Francisco, Film Development Council of the Philippines’ Chairman Jacky Atienza, Mothey Lily Monteverde, Marlon Bautista with sisters Rowena and Andeng, Rustom Padilla, Cesar Montano and Sunshine Cruz, Robbie Carmona, Dolly Ann Carvajal with her bagets boyfriend, Direk Joyce Bernal at marami pang iba.

Thankful si Christine dahil supportive ang kanyang pamilya sa kanyang bagong posisyon. Common knowledge naman na sila na ang nagha-handle ng negosyo ng pamilya nila - ang Miladay Jewels.

Hataw sa dance floor si Direk Joyce. Aba, dancing queen pala itong si Direk na CEB member din. Sayaw as in hataw talaga. Kasama niya sa dance floor ang mga kaibigang writer na sina Walden Belen and Allan Diones.

Mga 1:00 o’clock na kaming umalis sa Mezze at naiwan na namin sila Direk. Paglipat namin ng bar sa G3, sina Vhong Navarro at Desiree del Valle naman ang nakita namin. Enjoy ang dalawa sa pagsayaw.

Pero ang the height, maya-maya ay nandiyan na si Direk Joyce. Ha ha ha. Pagdating, dance na naman siya. Eh ‘yun pala the following day may shooting sila ni Vhong.

Anyway, again congrats to Ms. Christine. Sure akong masaya ang mga friends niya sa nangyayari sa career niya.

We need young leaders sa movie industry like her.
* * *
May sariling following na talaga ang MYMP (Make Your Mama Proud). Last weekend, jampacked ang Zirkoh (Timog). Ang beauty expert na si Bambbi Fuentes ang nag-produced ng nasabing concert ng grupo.

Si Bambbi ang nag-introduce kay Kris Aquino sa MYMP. "Sinabi ko sa kanya (Kris) na pakinggan niya ang MYMP. Since then, naging favorite na niya ang grupo," recalls Bambbi.

‘Yun din ang naging way para maging Kapamilya ang MYMP.

Speaking of Bambbi, artista na ang isa sa member sa hina-handle niyang dance group, ang The Freemales. Masuwerte si Tim Espinosa dahil bida agad siya sa digital film na Jupit. Ipinalabas ang trailer ng pelikula sa nasabing concert ng MYMP at in fairness, nakakatawa. Tungkol sa kabadingan ang Jupit (gay lingo for gupit).

Showing sa July 3 ang nasabing pelikula.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

BUTCH FRANCISCO

CESAR MONTANO AND SUNSHINE CRUZ

CHAIRMAN JACKY ATIENZA

CINEMA EVALUATION BOARD CHAIRMAN

COUNCILOR ISKO

DIREK

DIREK JOYCE

MT. EVEREST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with