^

PSN Showbiz

Mike Tan, pinalayas ng lolo!

-
Ngayong nasa labas na ng PBB house si Matt Evans, (5th evictee) isa sa hinulaang big winner sa PBBTE ay pupwede na niyang sagutin ang isyung kept man siya ng isang bading at matrona bukod sa hindi raw siya dumaan sa auditions para sa PBBTE.

Matatandaang sa 12 teen housemates ay isa si Matt sa eager manalo dahil kailangan niyang tulungan ang pamilya niya na hikahos sa buhay at hindi rin niya ikinahiyang iba-iba ang tatay nilang tatlong magkakapatid.

Maraming pinasukang trabaho si Matt, hindi nga lang napi-permanente dahil kulang sa kwalipikasyon, pero siya ang tipo ng taong maski anong trabaho ay papasukin.

Isa pang pinalayas ay si Olyn Membian (6th evictee) na walang gaanong drama sa buhay maliban sa masyado raw over protected ang mga kapatid niyang lalaki dahil nga nag-iisa siyang babae.

Okey lang ma-luz valdez si Olyn sa PBBTE dahil hindi naman sila naghihikahos, may funeral parlor business ang tatay niya at kaya naman silang buhaying magkakapatid.

Isa pang inaabangang mapalayas sa Bahay ni Kuya ay ang teenage mother na si Jamilla dahil hindi raw nito kailangang manalo dahil may nagsusustento raw sa kanyang Chinese businessman?

Say nga ng isang kasamahan sa panulat, "Bakit kailangan niyang manalo, e, nasa condo ‘yan nakatira, may pera at sa katunayan nga, sa US niya ipagagamot ‘yung anak niya, bigla lang siyang napasok sa PBB. May latest model siya ng Mazda ‘no. Kaya hindi siya dapat kaawaan."

Naku, Jamilla, kailangan mo na sigurong lumabas diyan sa Bahay ni Kuya para iklaro ang lahat ng isyu mo.
* * *
"May Santacruzan sa Tutuban" na gaganapin ngayong Huwebes, May 25, 4NH.

Bongga ang nabanggit na okasyon dahil pawang mga kilalang fashion designers ang judges tulad nina Eddie Badeo at Raymund Villanueva, at ang kasamahang Jobert Sucaldito at Ning Corteza ng John Robert Powers ang mamimili kung sino ang most beautiful sagala, best in costume at best float.

Guest celebrities ay sina Melanie Marquez, Nadine Samonte, Daisy Reyes, Hanni Miller, Rae Carrera, Christopher Yan at ang baguhang si Jay Montero, to be hosted by katotong Richard Pinlac sa Tutuban Activity Center, 4NH.

Para sa mga karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa Tutuban Center sa teleponong 251-1661 at hanapin sina Gina Villamor/Tere Camarines o ang event organizer. RDH Entertainment Network sa teleponong 435-4881 at hanapin sina Joan Lozano/Kristian Arellano.
* * *
Laman ng blind items si Mike Tan na nakasagutan daw niya ang lolo niya a month ago at dahil dito ay pinalayas si Mike ng naturang lolo niya na siyang tumutulong sa kanilang pamilya nung hindi pa siya kumikita. Sumama raw sa binatang actor ang kanyang magulang at kapatid na muling bumalik sa bahay nila sa Mandaluyong.

Kung hindi kami nagkakamali ay ang lolo niyang ito ang co-maker niya nung ipasok niya sa financing ang bahay na nabili niya sa Angono o Binangonan, Rizal.

Tanda pa namin ay yun sanang malapit sa bahay nila sa Mandaluyong ang gusto niyang bilhin, pero masyadong mahal at hindi naman kalakihan at nabanggit nga sa kanya itong nasa Rizal na nagustuhan niya dahil sa isang compound ay tatlong bahay ang nakatirik na tamang-tama sana para sa magulang at mga kapatid niya at para sa kanya yung studio type.

Pilit kinukuha ng tv reporter ng GMA 7 ang side ni Mike, pero tumanggi raw itong pag-usapan para hindi na lumaki.

Mabait at tahimik na tao si Mike kaya nagulat kami nung ikuwento sa amin ang isyu na tila mahirap paniwalaan dahil nakita namin ito kung paano kausapin ang mama at ate niya ng may paggalang. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

CHRISTOPHER YAN

DAHIL

DAISY REYES

EDDIE BADEO

ENTERTAINMENT NETWORK

GINA VILLAMOR

HANNI MILLER

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with