Budoy, kasama na ang Junior Kilat
April 6, 2006 | 12:00am
Ang Junior Kilat ang pangalan ng banda ni Budoy na iniwan niya ng may dalawang buwan para makasali siya ng Pinoy Big Brother. Layunin niya na ipakilala ang kanyang banda sa mga hindi Bisaya kaya matapos siyang payagan ng banda ay pumasok siya ng Bahay ni Kuya. Hindi naman siya nabigo. Bagaman at hindi siya ang nanalo sa nasabing reality search, wala nang hindi nakakikilala sa kanya ngayon. Kasabay ng kanyang popularidad ang lumalaking awareness ng mga tao sa kanyang banda na may album na lumabas mula sa Galaxy Records ng Universal Records. Ang promo na gagawin nila para sa album ay mas magpapakilala pa sa kanila sa mga taga-Maynila.
Sa malas ay nagtagumpay naman si Budoy na maipakilala sa ating mga Tagalog hindi lamang ang kanyang banda kundi maging ang kultura nila, tulad ng pagsusuot niya ng pudong na isang tradisyon ng mga Bisaya at bahagi ng kultura nila at hindi ng relihiyon.
Pawang mga awiting Bisaya ang nasa loob ng album ("Buwad Sukat Sili", ang title track, "Lubot Sa Yawa", ang Visayan version ng "Pinoy Ako" na "Budoy Ako", "Sigbin"), music video ng "K-Fyne" "Ako Si M-16", radio edit ng "Buwad Sukat Sili" at ang "The Making of Ako Si M-16".
Limang kabataan din ang bumubuo ng Junior Kilat, dalawang babae (drummer at keyboardist) at tatlong lalaki (DJ, bassist at guitarist) pero, di tulad ni Budoy na matatas sa Tagalog, ang lima ay nagsasalita lamang ng Bisaya.
Kasabay nito, pormal nang inilunsad ang 7th Little Angels 2006 search. Ang mananalo ay bibigyan ng pagkakataon sa mga fashion shows at TV programs. Sa mga interesado, tumawag sa 4354881/0920-5975333 o magsadya sa RDH Ent. Network, Rm. 301 Wil-Vic Bldg. #96 V. Luna Rod, QC. O kaya ay mag-email sa [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended



















