^

PSN Showbiz

Piolo, lumigaw din kay Toni!

-
Ang haba-haba naman ng hair ni Toni Gonzaga dahil pati pala si Piolo Pascual ay nanligaw sa kanya, hindi nga lang nagtagal dahil napansin ng aktor na tila hindi siya ang prioridad ng dalaga.

Ayaw naming isiping ‘basted’ si Piolo kay Toni kaya huminto na siya sa panliligaw at sinabi na lang ng aktor na gusto muna niyang bigyan ng chance ang tv host na asikasuhin ang career nito at gayundin siya.

Hindi namin naitanong kung ilang taon na ang magaling na aktor, pero ang sabi ng kanyang inang si Mrs. Amelia Pascual ay gustung-gusto na niyang magka-apo sa binata niya dahil nagkaka-edad na rin naman siya.

"I’m already 60 years old at gusto ko bago ang lahat.., makita ko na ring may pamilya si Piolo, siyempre sinong titingin sa kanya? I’m also worried baka kasi hindi siya makatagpo ng babaing gusto niya," pahayag ng aktor.

Ganito ka-open ng komunikasyon ang mag-inang Amelia at Piolo na pati lovelife ng anak ay knows niya at kung sinu-sino ang mga naudlot nitong liligawan sa showbiz.

At ang magandang samahang ito ang naging dahilan kaya hindi nagdalawang isip ang mga taga-Selecta 3-in-1 ice cream na kunin sila bilang endorser.

"Maganda ang bonding nilang mag-ina at ito talaga ang hinahanap ng Selecta, tungkol sa isang pamilya na maganda ang samahan at perfect sina Piolo and his mom for our tvc," say ng taga-Selecta under Unilever RFM ice cream.

At sa darating na birthday ng mommy ni Piolo sa June ay isang malaking party ang ihahandog niya sa kanyang ina at isang European tour na matagal na niyang ipinangako sa ina.
* * *
Finally, ngayong gabi, Sabado mapapanood sa Showbiz Stripped ang episode title na Bookings na naurong ng dalawang linggo dahil nag-give way si Ricky Lo sa nakaraang Binibining Pilipinas 2006 at Starstruck Stripped ng Final 4 ng katatapos na StarStruck batch 3.

Malalaman sa mga guest na sina Lito de Guzman, Katrina Paula, Richard Hiñola, Tita Swarding, Kenneth, Jeffrey at Clark Concepcion kung ibinu-book nila ang kani-kanilang mga alagang sexy stars.

Ilang beses na rin namang nasangkot sa gulo at pinaghinalaang suspect ang mga pangalang nabanggit na humantong pa sa imbestigasyon, pero walang nangyayari dahil kusang namamatay ang isyu dahil wala naman daw silang makitang ebidensiya kasi protektado rin sila ng mga nagiging kliyente nila lalo na kung nasa posisyon ito sa gobyerno at kung kilalang businessman na kung hindi nila ito gagawin ay tiyak na sasabit sila.

Anyway, babanggitin din naman ng mga kilalang talent manager o bookers kung sinu-sino sa mga alaga nila ang madalas makatanggap ng tinatawag na indecent proposal.
* * *
Ang limang masisipag na talents ng Backroom, Inc. ay magkakaroon ng Summer Music Caravan na binubuo nina Kyla, Frenchie Dy, K Brosas and the Boxers, Kim Flores at Erik Santos to make the summer music caravan a memorable affair.

Scheduled performances of the caravan are: March 31 Pagcor Grand Theatre Parañaque, Ynares Gymnasium in Antipolo City April 28, Pampanga on April 29, Del Rio Splash Resort in Marbel City on May 12, South Cotabato Gymnasium and Cultural Center Marbel City on May 13, La Salle Bacolod on May 20.

Papalitan ni sexy comedienne actress Rufa Mae Quinto si Kyla bilang special guest sa May 12 and 13 performances sa Del Rio Splash Resort at South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.

For more information, please call Backroom at 4353808/9283121 or email back roomtalents @pldtdsl. net. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANTIPOLO CITY APRIL

BACKROOM

BINIBINING PILIPINAS

CLARK CONCEPCION

DEL RIO SPLASH RESORT

ERIK SANTOS

PIOLO

SELECTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with