^

PSN Showbiz

Guy, may teleserye sa Amerika!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Bago ako pumunta sa Amerika before Christmas ay nagkakwentuhan kami ni Gloria Sevilla. Ipinakakausap pa sa akin si Divina Valencia na taga-San Diego dahil may teleserye ito para sa kanya.Tungkol sa caregiver ang series na ginampanan ni Nora Aunor. Ang pamagat nito ay Home Care at ang nagdirek ay si Suzette Ranillo. Naroon sa Tate si Guy kaya dun na rin ito nag-taping.

Kamakailan ay pinarangalan ang premyadong aktres bilang bahagi ng movie queens tribute na sponsored ng Mowelfund Film Institute, MTRCB at National Commission for Culture and Arts. Naroon ang mga anak ni Guy na sina Lotlot de Leon at Matet gayundin ang mga tagahanga nito.

Ipinalabas ang dalawang pelikula ng superstar sa direksyon ni Mario O’ Hara, ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Bulaklak ng City Jail (1984).
Janice Jurado, Nagbibenta Ng Insurance
Dahil walang pelikula o TV show si Janice Jurado kaya nagbibenta ito ng insurance sa mga taga-showbiz, kumakayod ito para sa pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay.
Bearwin, Nagbago Nang Mag-Asawa
Sa birthday ni Ben dela Cruz ay naka-table namin ni Vero Samio si Bearwin Meily at ang kanyang asawa.

Napag-usapan namin ang panonood ng sine kung saan sa panahon ngayon ay malaki talaga ang nagagastos ng pamilya kapag lumalabas para manood ng sine.

Ayon kay Bearwin, gaya ni Vero ay sa bahay na lang sila nanonood na mag-asawa (DVD) kapag libre siya sa commitment.

Sapul nang lumagay sa tahimik ay maraming nabago sa buhay ng komedyante. Sa halip na umalis ng bahay at magsaya sa piling ng barkada ay sa bahay na lang siya naglalagi kasama ang asawa at nag-iisang anak. Hindi na rin siya gaanong umiinom ’di gaya noong binata pa. "Siyempre, kailangang magtipid para sa pamilya lalo na at palaki na ang aming anak," aniya.
Jennylyn, Naghahanda Na Para Sa Interview Sa US Embassy
Next week ay nakatakdang interbyuhin si Jennylyn Mercado sa US Embassy para sa one month trip nila ni Mark Herras sa New York para sa I Love New York.

Hindi kaya manariwa uli ang kanilang pagmamahalan?

"Gusto kong ma-develop pa ang friendship namin ni Mark. Magkasundo kami ngayon at masaya bilang malapit na magkaibigan," aniya.

Sa kabilang banda, nag-resume na si Jenny sa taping ng Encantadia bilang si Lira kasama uli si Yasmien Kurdi. Enjoy nga ang aktres dahil kasama niya ang itinuturing niyang bestfriend.
BLIND ITEM: Lady Produ At Sexy Actor, Hiwalay Na
Break na ang lady produ at ang sexy actor na matagal ding may relasyon. Bata at malakas ang appeal ng aktor kaya nahulog ang loob sa kanya ng produ.

Gaano katotoo na kaya pala naghiwalay ang dalawa ay dahil sa nag-born again ang lady produ?

vuukle comment

BEARWIN

BEARWIN MEILY

CENTER

CITY JAIL

CULTURE AND ARTS

DIVINA VALENCIA

GLORIA SEVILLA

JANICE JURADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with