^

PSN Showbiz

Mas pinaboran ang t-bird kesa rich suitor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi pa ikinakasal ang magandang aktres na ito at maraming nagtataka kung bakit walang nababalitang nakarelasyon ito sa showbiz. Kabaligtaran siya ng kapatid na isa ring aktres na marami nang anak sa iba’t ibang lalaki.

Minsan ay inireto ito sa isang may-edad pero, super datung na businessman. Gwapo naman ito at magandang magdala ng damit. Hiwalay ito sa asawa at nakatuon lang ang pansin sa negosyo.

Nagtatawagan ang dalawa at nagdi-date paminsan-minsan pero laging atubili sa oras ang aktres kapag ginagabi na. Sana’y ibibili ito ng magarang sasakyan ng businessman dahil luma na ang van nito pero, natuklasan nito na may kabit itong tomboy kaya atubili itong pakasalan siya.

Sayang dahil kung ang negosyante ang pinili ng character actress ay di na sana niya kailangang kumayod dahil sa sobrang yaman ng negosyante at baka paupo-upo na lang siya at higit sa lahat, pa-tour-tour na lang sa ibang bansa. Tsk, tsk, tsk.
Faith, Ibang Klase Mag-Vocalize
Bukod kay Sharon Cuneta ay paborito rin ni Faith Cuneta si Lani Misalucha. Bago mag-concert, pinaka-praktis nito ang dumaldal nang dumaldal para mahasa ang boses sa pagkanta.

KIDS TV

Saludo kami sa producer na si Genny Catu na patuloy na kumikilala sa mga batang may talento sa pamamagitan ng kanyang show na Kids TV na inilipat na sa ABC 5. Naka-7th season na ito with flying colors, ika nga.

"Children need to have an avenue for learning new things. Know the latest discovery and mysteries of Science, interact with kids their age and show up their hidden talents without hesitation," aniya.

Ang mga hosts nito ay sina Yuuki Kadooka, Maxine Lapid, Janeena Chan, Romina de Jesus, Joy Rose Yutuc, Gino Sampedro at Kharl Carpina.

Regular segments na bumubuo sa Kids TV ay Art Bulilit (arts), Bakit kaya? (Science) HIP Happening (events) at Pasyalan Natin (tourist destinations). May iba pa itong kawili-wiling portion gaya ng Lam Nyo Ba? Yan ang Style Kids, Kiddie Kalusugan at Batang Isip.

Mapapanood ito tuwing Sabado, 2:30-3:00PM simula sa Marso 18 sa ABC 5.
Singing Workshop
Ngayong araw ay magkakaroon ng naiibang crash course sa pagkanta mula sa apat na sikat na musical artist. Magiging panauhin sa Sis sina Aiza Seguerra, Jerome John Hughes at musical directors na sina Danny Tan at Butch Miraflor kung saan tuturuan nilang kumanta ang apat na singing apprentice na sina Biboy Ramirez, Ken Punzalan, Ailyn Luna at Margaret Wilson.

vuukle comment

AILYN LUNA

AIZA SEGUERRA

ART BULILIT

BATANG ISIP

BIBOY RAMIREZ

BUTCH MIRAFLOR

DANNY TAN

FAITH CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with