^

PSN Showbiz

Sam, patok sa Baler, Quezon!

-
Napuri ng Lady Governor ng Baler, Aurora na si Gov. Bellaflor Angara Castillo ang PBB Housemate actor na si Sam Milby na personal na kinantahan at hinarana ang mga walong kababaihang nag-represent ng bayan ng Baler, Aurora para sa Miss Baler Aurora 2006. Aniya, magalang pala itong si Sam.

Bihira nga naman kasi ang magagalang na kabataan ngayon na tulad ni Sam. Gayong nag-aapurang bumalik ng Maynila dahil may isa pa itong commitment, ni hindi nagpakita ng pagkainip ito sa haba ng pageant. Si Azenith Briones ang punong abala at chairman ng beauty pageant ng gabing iyon. Ito rin ang nag-imbita sa mga naging hurado, sina Beth Oropesa, Merlita Anotino, fashion model, Chito Alcid at Gabriel Gamboa, Ginoong Pilipinas 2006.

Gumanap na host ang actor na taga-San Luis, Aurora si John Arcilla.

Umuwi din ng Maynila ng gabing yon si Sam kasama ng mga handler ng ABS-CBN. Hindi sila nagpigil kahit sabihin na mayroon silang-free Hotel room dun. Labingwalong oras ang biyahe patungong Baler at pauwi ng Maynila. Na feel din ng mga tagahanga ang sobrang pagod at antok ni Sam pero wala itong reklamo. Batid nito na ‘yon ang kapalit ng kanyang tagumpay bilang isang ganap ng celebrity. VIR GONZALES

vuukle comment

AZENITH BRIONES

BELLAFLOR ANGARA CASTILLO

BETH OROPESA

CHITO ALCID

GABRIEL GAMBOA

GINOONG PILIPINAS

JOHN ARCILLA

LADY GOVERNOR

MAYNILA

MERLITA ANOTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with