^

PSN Showbiz

Bold actor, bading na rin!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mas gusto ng guwapong bold actor na magturo na lang sa isang school. Matagal na rin kasing wala siyang project mula nang maghigpit ang mga sinehan sa bold films.

Isa pang dahilan kung bakit ayaw na ring maghubad ng aktor ay dahil nasisira raw ang kanyang image bilang teacher.

Pero balitang kaya binitiwan ito ng kanyang manager ay dahil natuklasan nito na isa rin itong bading.
Aubrey, Sasabak Sa Aksyon
Nakausap ko si Aubrey Miles sa presscon ng Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom kung saan sinabing sumabak na siya sa aksyon.

"Nagsanay ako ng karate at kungfu kung saan ang fight instructor ko ay mula pang Hongkong sa pangunguna ni Phillip Kho at mga magagaling na martial arts expert. Enjoy ako sa pakikipaglaban. Dahil dito, nangarap akong maging action queen," anang aktres.
Lumilipad Si BJ
Tagahanga si BJ "Tolits" Forbes ni Darna kaya tuwang-tuwa ito kapag napapanood na lumilipad si Angel Locsin. Ngayon ay siya naman ang lilipad bilang si Silab sa Exodus.

Excited ang child actor dahil sa ganda ng role ay paulit-ulit nitong sinasabi na ang galing niya sa Exodus.

Sa kabilang banda, saludo sa kanya si Sen. Bong Revilla pagdating sa akting at madaling makuha ang instruction ng direktor.
Naiibang Love Story
Ang pelikulang Just Like Heaven ay isang romantic comedy mula sa nobelang, If Only It Were True ni Marc Levy.

Isang workaholic ER doctor, si Elizabeth na halos wala ng panahon sa kanyang sarili, nakatira sa isang apartment mag-isa at padalaw-dalaw lang sa matandang kapatid na si Abby na may dalawang anak na babae na mahal na mahal niya.

Minsan, sa pagpunta niya kay Abby, nabangga ang kanyang sasakyan at naging pasyente siya sa mismong ospital na kanyang pinagtatrabahuhan kung saan siya na-comatose. Ang kaluluwa niya ay namamasyal at lagi nitong pinupuntahan ang sariling apartment na ngayon ay may iba nang nakatira, si David, isang landscape architect. Akala ni David, isa lang siyang naliligaw na kaluluwa pero nagtataka siya kung bakit sa kanya lang ito nagpapakita at hindi sa ibang tao.

Nakatatawa ang ginawa ni David para mapayapa lang ang kaluluwa ni Elizabeth hanggang sa nag-aaway na sila, nagkakilala silang mabuti at naging malapit sa isa’t isa. Pero paano kung sa paggising ni Elizabeth ay hindi man lang niya makilala o maalala si David?

Ang pelikulang Just Like Heaven ay isang naiibang love story dahil nagpapaantig ito ng damdamin at kaluluwa. Sinasagot din nito ang mga tanong tungkol sa kalungkutan, depresyon, pagiging mapag-isa at hindi mahilig sa pakikipagsalamuha.

Entertaining ang pelikula mula simula hanggang katapusan kaya hindi dapat palagpasin. Palabas na ito sa mga sinehan sa Metro Manila, mula sa Dreamworks Pictures, released by Solar-UIP.

ANGEL LOCSIN

AUBREY MILES

BONG REVILLA

DREAMWORKS PICTURES

ENCHANTED KINGDOM

IF ONLY IT WERE TRUE

ISA

JUST LIKE HEAVEN

LUMILIPAD SI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with