^

PSN Showbiz

May sakit si Alex!

-
Laking tuwa ni Alessandra de Rossi nang baguhin ang kanyang ayos bilang Valentina sa seryeng Darna. Inamin niyang hirap siya sa dating anyo dahil sa prosthetics, pati na yung contact lens na ginagamit sa mata niya. Ngayon, magaan na ang pakiramdam niya sa mala-Cleopatra niyang dating.

Una naming naiulat ang tungkol sa mga bagong kaganapan sa Encantadia. Na sa prequel nito, papasok ang mga karakter na gagampanan nina Alex, Francine Prieto, Pauleen Luna at Jopay Paguia, pero sa latest bulletin ng Siete, si Aiza Marquez na raw ang kasama, may matatanggal sa kanilang apat, for whatever reasons, hindi na namin inalam.

"Ipinangako nilang may one week akong pahinga bago ako masalang sa Encantadia. May problema ako sa urinary tract, sa puso, meron din sa lungs. Parang lagi akong busog. Kailangan ko ng konting pahinga. Balita ko pa, kontabida na naman ako sa Encantadia. Sana naman, wala nang prosthetics ayoko nang mag-wig, kung pwedeng wala nang mga headdress. Kung kakalbuhin nila ako, sige pakakalbo ako.

Itinanggi ni Alex na officially, siya na ang manager ng kapatid na si Assunta. Gusto lang daw niyang tulungan ang kanyang ate, mula nang umalis ito sa Dos.

"Pinirata siya di ba! Dapat inalagaan siya. Last year, zero balance siya, wala siyang ginawang show kahit isa, wala siyang kinita. Hindi naman naming gaanong napag-usapan yung tungkol sa problema niya sa Dos.

"Pakiramdam siguro niya, hindi siya naaalagaan, katulad ng ipinangako sa kanya noong kinukuha pa siya sa Siete. Di ba kapag lumilipat ka, sa una lang talaga magaling? Hindi naman ako ang manager niya, nagkataon lang na kapag hinahanap siya, sa akin nagtatanong, so ibinibigay ko yung number niya. Hindi ko pa masyadong kinakareer. Ayoko kasing magpa-presscon, no. Magkano ba talaga ang magagastos diyan, ha?" tanong ni Alex sa nakapaligid na writers sa kanya.

Nang tanungin namin si Alex kung pwedeng pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jeremy Marquez, isang napakalutong na "NO!", ang kanyang isinagot. Kunsabagay, kung kilala mo itong si Alex, maiintindihan mo siya. Kapag gusto niya ang topic, sinasagot niya lahat ang tanong, pero kapag ayaw niyang pag-usapan ang isang bagay, hindi mo siya mapipiga!!! – Ben Dela Cruz

vuukle comment

AIZA MARQUEZ

ALEX

BEN DELA CRUZ

ENCANTADIA

FRANCINE PRIETO

JEREMY MARQUEZ

JOPAY PAGUIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with