^

PSN Showbiz

‘Pinas, sali na naman sa Guinness!

- Veronica R. Samio -
Bago matapos ang taong 2005 ay magkakaro’n ng isang National Art Event na kung sa’n tatangkain ng Pilipinas na talunin ang Guinness World Record Longest Painting on Canvas na kasalukuyang hawak ng United Arab Emirates (UAE). May sukat itong 2,978.4 meters at ginawa nung Marso 21, 2005.

Ang gagawin natin ay may sukat na 5,000 metro at magaganap ito sa Disyembre 30, 2005, 6NU hanggang 12 NT sa kanto ng Commonwealth Ave. Ext. at Mindanao Ave. Ext., malapit sa SM Fairview. Ibibigay ito sa pamunuan ng QC, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte at ipadadala sa GWR para ma-authenticate at pagkatapos ay sa UNESCO bilang pagdiriwang ng Int’l. Decade for Culture of Peace and Non-Violence for the Children of the World.

Ang ideyang ito ay mula sa isang pintor at scenographer ng mga sikat na palabas sa TV at founding president ng On the Spot Artists’ Ass’n (OTSAA), si Rolando S. de Leon.

Ang tema ng event ay Fishes of the Ocean at may theme song itong "Sining ng Pag-ibig para sa Daigdig" na aawitin ni Reuben Laurente ng The Company, music by De Leon at lyrics ni Laurente. Magkakaro’n din nito ng version si Aiza Seguerra, OTSAA Youth Committee Chairman.

Lahat ng pintor ay inaanyayahang sumali at maging bahagi ng layuning ito. Tumawag lamang sa 4175787/09184731321.
* * *
Isang manika ang bida sa bagong horror series ng GMA7 na pinamagatang Kakabaka-Boo! at magsisimulang mapanood sa Okt. 2, Linggo, pagkatapos ng Mahiwagang Baul. Ito si Chaka Doll na nanakot nun sa mga manonood ng TV sa Kakabakaba. Dito sa bagong serye na isang kumbinasyon ng nakakatawa at nakakatakot na panoorin ay binigyan siya ng make-over at ginawang glamorosa.

Sa unang episode, ihahatid niya ang manonood sa mundo ng mga manika sa pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang mga kaibigan na isinumpa ng tatlong bruha (Ara Mina, Sherilyn Reyes, Alicia Mayer). Kasama rin sina JC de Vera, Karen delos Reyes, Popoy Bardos, Zamierre Benevice at Jopet Concordia.
* * *
Kabilang sina JayR at Marco Alcaraz sa napiling Top 10 Most Gorgeous Bachelors ng Cosmopolitan Magazine. First time ito ni Marco na mapasama sa listahan samantalang second time na ni JayR.

Kasama si Marco sa Kampanerang Kuba. Kasalukuyan niyang ginagawa ang Mga Batang Bangketa para sa Rosas Films kasama si Camille Prats. Sali rin siya sa MMFFP 05, sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 5 ng Regal Films.

Si JayR naman ay tumatanggap ng good reviews para sa Footloose na napapanood pa rin sa Meralco Theater. Kari-renew lamang niya ng kontrata niya sa GMA7 at kasama sa launching movie ni Bearwin Meily na Hari ng Sablay at Exodus ni Bong Revilla, isa ring entry sa MMFFP 05. Ikagugulat ng lahat ang lalabas niyang bagong TV commercial.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALICIA MAYER

ARA MINA

BEARWIN MEILY

BONG REVILLA

CAMILLE PRATS

CHAKA DOLL

CHILDREN OF THE WORLD

COMMONWEALTH AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with