Ang Golden Sunset ni Ricky Reyes
September 8, 2005 | 12:00am
Mayron na namang bagong proyekto na pagkakaabalahan ang salon magnate na si Ricky Reyes. Ito ang Arangkada sa Kalinisan na kung saan lahat ng mag-aaral sa elementarya at high school ay tuturuang mag-hiwalay ng basura at pagkatapos ay isu-surrender nila ito sa kanilang mga guro na siyang maghahanap ng mga junk buyer. Ang kikitain dito ay ipambibili ng lahat ng mga kailangan ng iskwela. Wala mang pera na kikitain ang mga istudyanteng mag-iipon ng basura pero, bibigyan naman sila ng karampatang grado. Gagawing mandatory ito ng DepEd sa lahat ng public schools, mula grades one hanggang six.
Magkakaron ng launching ang nasabing proyekto sa Taguig, Rizal. Bilang kick-off, lilinisin ang kabuuan ng C5 na pamumunuan ni Mother Ricky kasama ang dating Unang Ginang Ming Ramos, ang kasalukuyang Miss Earth at ibang mga celebrities.
Samantala sa Oktubre, bubuksan na sa publiko ni Mother Ricky ang kanyang resort sa Calatagan, Batangas na tinatawag niyang Golden Sunset. Sinasabi niya na mas maganda pa ang paglubog ng buwan sa kanyang lugar kaysa sa Manila Bay at bilang patunay ay may mga larawan siyang kuha dito na nagpapakita ng pag-iba-iba ng kulay ng dagat habang lumulubog ang araw.
Ang resort ay nakatayo sa isang 15 hectare na lupa. May malawak na languyan sa dagat, olympic sized swimming pool, function rooms for seminars & conferences, billiard, mga cottages para sa dalawahan at buong pamilya. Maganda rin itong pasyalan, bisikletahan.
Sa kabila ng kaabalahan ni Mother Ricky sa pamamahala ng kanyang mahigit na 40 salon sa Kamaynilaan, meron nang Jamie at Stephanie na nagbibigay ng kulay sa buhay niya at ng kanyang ka-partner.
Nagsimula ang partnership ni Lee at ng ABS CBN nang humingi ng donasyong bahay sa kanya para sa isang pakontes ang Hoy Gising.
Nagbibigay din ito ng tulong na pinansyal sa Handog Kapatid ng DZMM para pambili ng wheelchair at mga gamot. Sa dami ng tulong niya sa Kapamilya, maaari na rin siyang tawaging Kapamilya Big Brother.
Itatampok sa concert ang mga best collection mula sa mga album ng mga nasabing artists.
Magkakaron ng isang konsyerto sa town plaza na pamamahalaan ni Kon. Jum Bugarin, alay lakad, Smart kids contest, senior citizens day at iba pang selebrasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
7 hours ago
By Salve V. Asis | 7 hours ago
7 hours ago
By Boy Abunda | 7 hours ago
1 day ago
By Salve Asis | 1 day ago
Recommended























