^

PSN Showbiz

Certified singer na si Yasmien!

- Veronica R. Samio -
Talagang hindi mapasusubalian na pinakikinabangan ng husto ng mga Ultimate Survivors ng StarStruck ang kanilang panalo.

Isang magandang sample ay ang magkaparehang Jennylyn Mercado at Mark Herras na itinuturing na pinaka-sikat na pareha hindi lamang sa pelikula kundi maging sa TV. Pumapangalawa sa kanila ang kanilang runners-up sa artista search na sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi na nagpakita rin ng lakas bilang isang tandem sa kanilang launching film.

After Rainier’s successful launch bilang isang recording artist, heto naman si Yasmien at binigyan ng pagkakataon ng GMA Records na makagawa ng sarili niyang album, ang "In The Name of Love" na may carrier single na "I Know."

"Certified singer na ako," ang pagmamalaking sabi ni Yasmien sa kanyang album launch na ginanap sa Hard Rock Cafe Makati at dinaluhan ng maraming taga-media. Nagpamalas din siya ng talino sa pagkanta, kasama ang Ghost 13, isang rap group na gumawa rin ng kanta para sa kanya sa album.

Nagsimulang kumanta si Yasmien sa gulang na tatlo at bagaman at hindi niya inaasahan na magiging recording artist siya, ang katuparan ng isa pang pangarap ay naganap na! Tulad din ng pagiging artista niya na hindi niya inaasahan.

Ang album na "In The Name of Love" ay inihahandog niya sa kanyang ina at namatay nang lolo. Syempre, may bahagi rin sa kanyang singing career ang kanyang ka-tandem na si Rainier. Dito, inihahandog niya ang awiting "Sa Akin Lang Sana".

Highlighted sa album ang mga awiting "Enjoy and Ride" at "Ikaw Pa Rin Sa Akin", and "I Know" at "Kunwari Lang Ba" ni Rebel Magdagasang, "In The Name of Love" ni Jimmy Antiporda, "Freddie Saturno’s "Manumbalik", "Sa Akin Lang Sana", "Mamahalin" at "Patuloy Pa Rin" at "Umaambisyon" ni Kedy Sanchez.
* * *
Mabuti na lamang at may nakuhang scholarship si Nina Corpus para sa kursong broadcast journalism sa Cardiff University sa Wales kung hindi, lubhang mararamdaman niya ang pagkawala ng maraming shows niya sa ABS CBN.

Hindi rin naman naging madali para kay Nina ang matamo ang mabilis na pagtanggap sa kanya bilang isang tagapagbalita sa mundo ng showbiz.

Pagkatapos niyang magtapos ng cum laude sa UP, sumali siya sa pangatlong cadetship program ng ABS CBN. Nag-train siya for six months kasama ang mga TV reporters na sina Cheryl Cosim, Daphne Oseña, Gigi Grande at marami pang iba. Hindi kataka-taka kung mabilis man ang naging asenso niya dahil bukod sa talagang matalino at bagay sa kanyang trabaho ay maganda pa siya. Kaya nga marami ang nanghinayang nang unti-unti ay isa-isang mangawala ang mga programa niya.

Sa pagkakatanggap sa kanya sa Cardiff, nakasisiguro na siya ng higit na magandang trabaho sa ABS CBN pagbabalik niya sa TV. By that time, lumamig na marahil ang intriga at kung anumang problema meron na nakaapekto sa kanya at sa kanyang trabaho.
* * *
Magtitipun-tipon sa Hulyo 19 ang pinaka-magagaling na rock at alternative bands para sa 1st anniversary ng The Philippine Anti-Graft Center (PAGCI) sa UPAA Bahay ng Alumni sa ika-6:00 NG. Layunin ng event na patigilin ang graft and corruption ngayon. Paglulunsad din ito ng music industry’s war against graft and corruption.

Performing for the occasion are: Hale, Sandwich, 6Cycle Mind, True Faith, Moonstar88, Kamikaze, The Youth, Chicosi, Stonefree, Gish, Lila Band, Shimmer, Pedicab, Pop Filter, Tsunami, Death by Tampon, Boldstar, Dreadlocks, Mom’s Cake, FMD, Itchy Worms,Copper Pop Thrilolo, Milk & Money, Blue Ketchup, Joy and Bev’s, Soap Dish, Mike Chan, Ampalaya Juice, 4th Clan, Bellefast, Chubibo, Chrome 8, Bent, Candy and Audioline, Rudeboy’s Dancer at Majesty.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AFTER RAINIER

AMPALAYA JUICE

BLUE KETCHUP

CANDY AND AUDIOLINE

I KNOW

IN THE NAME OF LOVE

NIYA

SA AKIN LANG SANA

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with