Diana, tagapagtanggol ni Sunshine
July 3, 2005 | 12:00am
Magkaaway man sa Encantadia, close friends in real life sina Sunshine Dizon (Pirena) at Diana Zubiri. Silang dalawa ang nakikitang laging magkasamat magka-usap tuwing breaktime ng tele-fantasy.
Sa 55th Anniversary Special ng GMA-7, nakita namin silang magka-holding hands na umikot sa function room ng Aliw Theater kung saan nag-ipon ang mga artista bago magsimula ang palabas. Pati sa picture taking ng grupo ng cast ng show, silang dalawa ang magkatabi.
Nalaman din naming inilayo ni Diana si Sunshine sa dalawang starlet na nang-ookray dito. Friends ni Sunshine ang dalawa pero, dinedma ang bati niyat harap-harapan pang ipinakitang hindi nila ito feel. Alam namin ang rason pero, hindi na lang namin isinulat. Bago pa tuluyang masira ang gabi ni Sunshine, niyaya na lang siya ni Diana na umalis.
May isa pang magandang ginawa si Diana na ipinagpapasalamat ni Sunshine. Nang makita ni Diana na halata ang panty line ni Sunshine sa suot niyang white gown, agad niya itong binigyan ng bagong t-back at pinapalitan ang suot na underwear. Kaya nang rumampa ang mga diwata ng Lireo, kampante si Pirena (Sunshine) at yun ay dahil kay Danaya (Diana).
Wala pa kaming balita kung sino ang magdidirek ng remake ng soap opera. Makakasama naman ni Kristine sina Cherie Gil, Joel Torre, Andrea del Rosario, Joross Gamboa at Rio Locsin.
Nakaka-intriga lang dahil ang manugang ni Ms. Abrera na si Suzy Entrata-Abrera ay taga-GMA-7. Suzy who is married to Paolo Abrera is one of the hosts of Unang Hirit but for sure, hindi ito rason para magkaroon ng conflict sa Abrera family.
Ang iba pang kasama sa board ay sina Atty. Augusto Almeda-Lopez, Peter Garucho. Jr., Cesar Bautista at Fr. Carmelo A. Caluag S.J., trustee ng Ateneo de Manila University at Ateneo Scholarship Foundation at ABS-CBN Vice-Chairman Luis Alejandro.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















