^

PSN Showbiz

May basbas ba ni ex-Pres. Cory ang pamamanhikan ni Kris?

-
Maraming nag-react sa ginawang pamamanhikan ni Kris Aquino sa pamilya ni James Yap last Saturday na ipinakita sa The Buzz last Sunday.

Nabaliw ang viewers sa napanood dahil halatang na-culture shock ang pamilya ng lalaking mapapangasawa ng host ng The Buzz at Pilipinas, Game K N B?

At inilagay na naman ni Tetay ang pamilya Aquino at Cojuangco sa kahihiyan dahil siya pa ang dumayo sa Escalante City, Negros Occidental para mamanhikan at siya rin ang nag-interview sa pamilya ni James.

Paulit-ulit na ipinapakita sa The Buzz si Kris habang sinasambit ang mga katagang, "Pramis po, hindi ko paiiyakin ang anak n’yo (James)," habang nakatingin lang ang ina ng basketbolista.

Naloka rin kami sa reaksyon ni Kris na tawa nang tawa habang ikinukwento na nu’ng tumawag daw si James sa ina niya para ipaalam na pauwi sila ng Negros para magpaalam na magpapakasal na sila ay hindi na raw nakatulog si Mrs. Yap at pumunta ito sa plaza ng alas tres ng madaling araw at naglakad-lakad ng tatlong oras.

Kris, anong nakakatawa ro’n? Hindi mo ba naisip na kaya ganu’n ang reaksyon ng ina ni James ay dahil nabigla ito o kaya’y sandaling nawala ito sa katinuan? Paano kung may sakit pala ito at inatake? Magawa mo pa kayang tumawa?

Buti ang mommy mong si Ex-President Cory Aquino, sanay na sa mga ginagawa mo kaya hindi na nasa-shock, pero kadalasan, hindi ka kinakausap kapag may mga ginawa ka na namang kahiya-kahiya sa angkan mo.

At para sa amin, naawa kami sa pamilya ni James Yap na tahimik na namumuhay sa bayan ng Negros Occidental na ngayo’y nabilad na sa publiko at tiyak kami, habang magkarelasyon sina James at Kris, bawa’t galaw ng pamilya Yap, mababasa na rin sa mga pahayagan.

Hay naku Kris, may bagong pamilya ka na namang ginulo!
* * *
Nag-react na si Shaina Magdayao sa isyung type niya si Joross Gamboa, ang ka-loveteam at tunay na boyfriend ni Roxanne Guinoo na myembro ng natsuging SCQ Reload.

Lumalabas kasing isyu na isa sa dahilan kaya may gap sina Shaina, Roxanne at Bea Alonzo ay dahil nag-aagawan sila kay Joross.

Gustong ipaalam ni Shaina kay Roxanne at sa fans ng dalawa na hindi niya type si Joross at ni minsan ay hindi ito sumagi sa isipan niya.

Unang-una ay may girlfriend na si Joross, pangalawa, hindi ang tipo ni Joross ang magugustuhan niya.

Nu’ng una ay talagang sila ang ini-link dahil sila ang gustong gawing loveteam ng Star Magic pagkatapos ng Shaina at Jolo Revilla na hindi nag-click.

Pero hindi rin click ang Shaina at Joross dahil halatang malaki ang agwat ng edad ng binata sa dalagita, kaya’t nagkaroon na naman ng audition para kay Shaina.

Pumasa nga sina Kiko Matos, DM Sevilla at Raphael Martinez para sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin bilang ka-partner ni Shaina, pero ang hinahanap pa rin ng fans ay si Rayver Cruz na pasok na rin sa naturang soap opera. Reggee Bonoan

vuukle comment

BEA ALONZO

CORY AQUINO

ESCALANTE CITY

GAME K N B

JAMES YAP

JOROSS

NEGROS OCCIDENTAL

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with