^

PSN Showbiz

Komedyante, mag-aabono ng P1 milyon

-
Na-ospital daw si Willie Revillame last week dahil nanikip ang dibdib sa sobrang tensyong inabot dahil may nanalo nang isang milyong piso sa portion na "Pera o Bayong."

Kwento mismo ng staff ng programa ni Willie ay, "Pinagpawisan siya nung ayaw kagatin nung contestant ang P300 thousand na offer, pursigido siya sa bayong, e, naroon yung isang milyon, walang choice kundi ibigay sa tao ang premyo."

Napagalitan daw ang TV host ng management dahil parang nagbigay siya ng hint sa contestant na naroon nga ang isang milyon at siya ang nasisisi.

Hindi tuloy namin mawari kung kaya tensyonado si Willie ay dahil siya ang mag-aabono ng isang milyon o dahil sa asuntong isinampa ni Salve Asis, (entertainment editor ng PM).

Base rin kasi sa nalaman namin ay kabado ang TV host sa mga ebidensiyang ilalabas nina Salve at Ian Fariñas (entertainment editor ng Peoples Tonight) na meron din kaming kopya na galing mismo sa kanya nung ginawa niya ang acts of lasciviousness.

Kaya’t nakakatawa ang ipinamigay daw na press releases ng kampo ni Willie last Thursday nung sumipot ito sa fiscal para magsumite ng kanyang counter affidavit na "kwentong barbero" lang daw ang ibinibintang sa kanya nina Salve at Ian.

Nangingiti na lang ang dalawang lady editors dahil aliw sila sa depensang "kuwentong barbero."
* * *
As of this writing ay wala pang definite date kung kailan uupo si Korina Sanchez sa TV Patrol dahil may ilang grupo raw sa News Department na humaharang sa kanyang pagbabalik.

Say ng aming source sa Dos ay, "Hindi kasi type si Korina ng grupo ni Luchie (Valdez), nag-oppose sila, siyempre type nila si Karen Davila dahil pare-pareho silang galing ng GMA 7.

"Malalaman pa next week, alam mo naman dito sa amin, minu-minuto may changes."

Pero kung si Mr. Freddie M. Garcia na raw ang nag-utos ay wala nang magagawa pa ang mga may ayaw kay Korina, unless sila naman daw ang umalis sa pwesto nila.

Anyway, last Thursday night habang may event sa ABS-CBN ay biglang nagkaroon ng emergency meeting ang mga big boss ng network at say pa sa amin, "Mukhang may malaking problema kasi biglaan, malalaman mo rin."
* * *
Gaano katotoo na ipinahiya raw ni Mr. Johnny Manahan, head ng Star Magic ang kuya cum manager ni Hero Angeles na si Henry Angeles sa maraming tao?

Matagal na naming nababalitaang may problema ang Star Magic bossing sa nagma-manage ng career ni Hero at kung anu-anong kasiraan ang nasusulat tungkol kay Henry, pero bakit wala kaming nababasang side nina Hero at Henry sa mga negative write-ups na ito? Is this a part of publicity gimmick o hindi lang makakibo ang pamilya Angeles dahil baka buweltahan si Hero na may kontrata pa sa Star Magic?

Strange ang dating ng isyung ito sa amin dahil bakit puro nega ang nababasa namin kay Hero, parang may ganitong pangyayari na before sa isa ring talent ng Star Magic na nega lahat ang write-ups, pero ending kabaligtaran pala lahat.
* * *
Naloka kami sa line up ng guests ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez na mapapanood mamayang gabi sa GMA 7 para sa episode nilang Wanted Perfect Managers.

Guests sina Lito de Guzman, Marynette Gamboa, Jerome Pelgone, Katrina Paula, Bing Tongco at Coco Simmo na gusto naming isipin na perfect nga sila bilang managers ng mga sexy star o perfect silang gumawa ng mga kababalaghan para maging instant superstar ang mga alaga at in the end biglang naglalaho na parang bula.

Kasi naman, halos iisa yata ang record ng mga pangalang nabanggit, iba-iba lang ang gimmick sa katawan, kaya siguro sila paghaharapin sa naturang programa para malaman ng publiko kung bakit nga ba sila naging managers at kung bakit marami silang talents. — Reggee Bonoan

vuukle comment

BING TONGCO

COCO SIMMO

DAHIL

HENRY ANGELES

HERO ANGELES

IAN FARI

JEROME PELGONE

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with