^

PSN Showbiz

Uminom ng fabric softener

-
Ang baguhang si Roxy Ramirez na alaga ni Coco Simmo ang isa sa mga bida ng pelikulang Bikini Open mula sa Seiko Films na idinirek ni Jeffrey Jeturian.

Pero sa ginanap na presscon ng pelikula ay hindi nasilayan si Roxy dahil nasa Medical City ito at kasalukuyang naka-confine sanhi ng pag-inom niya ng isang fabric softener.

Iritable ang producer na si Robbie Tan dahil paano nga naman mapo-promote ang pelikula kung wala ang isa sa mga bida? Tiniyak niyang gimik na naman daw ito ni Coco na kilalang gimikero pagdating sa mga alaga niya.

"Ewan ko ba diyan kay Coco kung anong klaseng gimik ‘yun, bakit pagpapakamatay pa ang naisip, wala naman kaming nakitang problema sa bata para gawin niya ‘yun," diretsong pahayag ng Seiko Films producer.

Base rin sa aming pagkakaalam ay ayaw daw ipagsabi ni Coco ang nangyari kay Roxy dahil nga tiyak na nega ito para sa Bikini Open, pero naamoy pa rin daw ng media kaya’t naglabasan.

Problema sa lovelife ang dahilan ni Coco sa isang reporter kaya nagtangkang magpakamatay ng alaga niya at sinisigurado niya na kapag nakalabas na ng ospital si Roxy ay ito na ang kusang magsasalita para maliwanagan ang nangyari.

Naalala tuloy namin ang mga nakakakwentuhan naming managers noon na para raw pag-usapan ang kanilang mga alaga ay kailangan daw gumawa sila ng eksena na kapani-paniwala at ‘yung pagpasok daw sa ospital ay isa sa ginagawa nila para maging credible ang isyu.
* * *
Malaking epekto sa Unang Hirit ng GMA 7 ang kampanyang ginawa ng tagapamahala ng Iglesia ni Cristo sa mga myembro nila na h’wag nang panoorin ang pang-umagang programa dahil sa ginawa ng isa sa host na si Daniel Razon sa isang ministro ng INC na nakatalaga sa local ng Gen. Trias, Cavite City.

Myembro ng Dating Daan si Daniel at nagkaroon daw ng pamamahayag ang kanilang sekta kasama si Eli Soriano at isa ang ministro ng INC sa naging panauhin. Nagkaroon ng debate at napikon daw si Daniel at nagsalita ito ng hindi maganda sa ministro ng INC na kaagad namang nakarating sa tagapamahala ng Iglesia Ni Cristo.

Simula nung ipanawagan sa Net 25 na huwag panoorin ang Unang Hirit ay nasubaybayan naming talo na nga ng Magandang Umaga Bayan ng ABS-CBN ang UH na di tulad ng dati ay malayo ang lamang ng huli sa ratings.

Alam kaya ito ng program manager ng Unang Hirit na si Riki Escudero na may ganitong problema sa host niya?
* * *
And speaking of Unang Hirit kung saan ini-report ni Lhar Santiago (nasa Amerika pa) na ‘nilangaw’ ang premiere night ng Pelukang Itim nina Eddie Gil, Madam Auring at Alma Moreno ay galit na galit ang producer nitong si Elezabeth Samson at idinemanda si Lhar kasama si Nelson Canlas, showbiz reporter ng 24 Oras ng libelo.

Nabaliw lang kami sa halaga ng demanda ni Elezabeth sa mga kasamahan naming taga-media dahil tumataginting na 1 bilyon piso, take note hindi milyon, huh na ikinaloka rin ng mga nakaalam dahil first time nilang makarinig sa kasaysayan ng kasong libelo na bilyon ang halaga.

Say nga ng isang TV news reporter ay "May ganun bang kalaking pera ang producer ni Eddie Gil, bakit hindi na lang siya uli mag-produce para mabawi ang lugi niya kaysa magdemanda siya na tiyak namang madi-dismiss sa piskalya? Sino ba namang maniniwalang isang bilyon ang halaga ng demanda?" — Reggee Bonoan

ALMA MORENO

BIKINI OPEN

CAVITE CITY

COCO SIMMO

DANIEL RAZON

EDDIE GIL

SEIKO FILMS

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with