^

PSN Showbiz

The Buzz ilo-launch na naman

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nilinaw ng production team ng Panday ang isyu na may mga nag-resign na staff ng show. Ikinagulat ng grupo ang nasabing isyu. Isang malinaw na pag-iingay daw ito ng ilang tao.

Ayon kay Anna Goma, production manager ng Panday, "Paano mangyayari ‘yon e, ‘yung staff ng show from day one na umalis kami to shoot, are the same people na kasama namin hanggang ngayon? Hindi totoo."

Smooth-sailing ang shoot ng Panday sa iba’t ibang location nito. Natigil lang ito nang magpunta si Jericho Rosales sa States for a series of shows. Anytime ngayong buwan ay aalis na naman ang grupo para ituloy ang taping.

When asked kung kailan ang airing ng Panday, "Soon! Pinagaganda namin nang husto. We want to assure the loyal fans of Panday na once na mapanood nila, they will have a great time. Proud kami sa mga natapos na naming eksena," sabi pa ni Ms. Anna.
* * *
Next week na ang pagtatapos ng superseryeng Krystala. Sunud-sunod ang rebelasyon na magaganap sa mga karakter ng show. Isang malaking rebelasyon ang eksenang si Igo (Sid Lucero) pala ang tunay na sugo ng dilim.  

Sa mga eksenang mapapanood simula sa Lunes, mas matitindi pang rebelasyon ang magaganap. Kaabang-abang kung sino ang pakakasalan ni Tala (Judy Ann Santos). Sila nga kaya ni Miguel (Ryan Agoncillo) ang magkakatuluyan?

Usap-usapan ngayon ang pagmamabutihan nina Juday at Ryan off screen. Pero hangga’t hindi nila inaamin ang tunay na status ng kanilang relasyon, mananatili itong pantasya ng fans.

Speaking of Krystala, mayroong Krystala Kapamilya Day bukas Linggo sa Metropolis-Alabang. Kumpleto ang buong cast ng superserye.

The fans will have the chance na makapagpa-picture sa cast in full costume. Inaanyayahan din ang mga bata na suotin ang kanilang Krystala costume.
* * *
Ngayong Linggo, ilulu-launch ang bagong mukha ng The Buzz. Bukod sa bagong logo ng show, may mga bago ring segments. May pagbabago rin sa concept ng show. Malaki na ang participation ng audience sa content ng show, particularly sa mga showbiz news.

"May interaction between the hosts and the audience and the stars involved," kwento ni Louie Andrada, production manager ng The Buzz. "Kung paano, ‘yun ang kaabang-abang ngayong Sunday.

Huwag daw mag-worry ang mga fans ng segment na "Wanna Buzz" nina Anne Curtis, AJ Dee at Chokoleit dahil mananatili ito.  

Ipinagmalaki ni Louie na sa kabila ng kaliwa’t kanang talk shows ngayon, The Buzz has remained number one.   "More than being number one, ‘yung pagkatiwalaan kami ng publiko, ang mas matimbang.  Kahit ‘yung mga artista, na kapag sa amin nagsasalita kapag may issue, malaking bagay ‘yon."

vuukle comment

ANNA GOMA

ANNE CURTIS

ISANG

JERICHO ROSALES

JUDY ANN SANTOS

KAPAMILYA DAY

KRYSTALA

PANDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with