^

PSN Showbiz

Paolo Bediones, rarampa ng naka-brief lang

RATED A - Aster Amoyo -
Handa na nga bang magpa-seksi ang sikat na TV host na si Paolo Bediones?  Ngiti lamang ang tanging sagot parati ng gwapong host ng number 1 TV show na Extra Challenge at isa sa mga hosts ng top-rating showbiz-oriented talk show na S-Files.

May mga nagsasabi na sumang-ayon umano si Paolo na magsuot lamang ng brief sa grand fashion show ng Carter Underwear na nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo 21, 7NG.  Si Paolo kasi ang pinakabagong image model ng Carter undergarments.  Tuloy, marami na ang nagtatanong kung paano makakakuha ng ticket sa nasabing sexy fashion show.

Para makakuha ng libreng ticket sa Carter Underwear Fashion Show, kailangang bumili sila ng Carter products na hindi bababa ng P500 at makakakuha na sila ng dalawang libreng tickets.  Ipakita lamang sa sales ladies ang resibo ng kanilang biniling Carter product at bibigyan na sila ng tickets.

Si Paolo ang mangunguna sa mga rarampa sa Big Dome na kabibilangan ng mga kilalang celebrity guests at professional models na iku-choreograph at pamamahalaan ni Gerald "Yeng" Grande, ang video at stage director ng Alta Productions Group Inc.  Ang event staging ay pamamahalaan ng B. Concepts Philippines, ang fashion styling ni Adel Francisco at Aries Cayabyab habang ang photography naman ay kay Paul San Juan ng Print Mode.  Ang national advertising at marketing campaign ay conceptualized ng brand manager at creative director na si Benz Jandoc.
* * *
Beauty and brains si Rhea Santos-de Guzman na isa sa mga hosts ng daily early morning program ng GMA, ang Unang Hirit, news anchor ng Unang Balita at host ng At Your Service.  Although sa ABS-CBN nag-OJT (on the job training) si Rhea, ang GMA-7 naman ang nagbigay sa kanya ng break bilang isang newscaster.

Si Rhea ay nagtapos ng Mass Communications na magna cum laude sa St. Paul College, Quezon City.  Nung nakaraang September lamang nag-asawa si Rhea sa businessman na si Carlo de Guzman pero wala pa umano silang balak magkaroon ng baby sa taong ito dahil nagi-enjoy pa umano silang dalawa na sila lamang.  Ayon kay Rhea, number one fan umano niya ang kanyang mister.  Although anim na buwan na silang kasal, hanggang ngayon ay parang nasa honeymoon stage pa rin sila.  Very supportive umano ang kanyang husband sa kanyang career kaya sa anim na buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa ay never umano silang nag-away.

Dahil araw-araw ang Unang Hirit, isang linggo sa isang buwan ay mawawala siya sa programa dahil kailangan niyang bumiyahe sa ibang bansa para sa Pinoy Abroad program nila ni Ivan Mayrina na magsisimula ngayong Abril 6.

Si Rhea ay dalawang beses ginawaran bilang Best Morning Show Host ng Star Awards for TV noong 2001 at 2002. Naging nominado rin siya sa Star Awards bilang New Female Personality nung 2001.  Naging product endorser din siya ng "ONECARD Mastercard".

Ang  exposure ni Rhea sa iba’t ibang news programs ng GMA, ang siyang nagbukas sa kanya ng panibagong break sa Pinoy Abroad.
* * *
Personal:  Maraming salamat kay G. Genaro ‘Bong’ Velasquez, ang PAL country manager ng Japan at Korea.
* * *
e-mail <[email protected]>

vuukle comment

ADEL FRANCISCO

ALTA PRODUCTIONS GROUP INC

CARTER UNDERWEAR

PINOY ABROAD

SI PAOLO

SI RHEA

STAR AWARDS

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with