^

PSN Showbiz

Polo at 22, isa nang hubadero!

-
Hindi papaapekto si Polo Ravales kung bansagan siyang hubadero dahil sa role na kanyang ginampanan sa kanyang launching movie, ang Room Boy. Dito sa pelikula ay gina- wa niya sa unang pagkakataon na makunang naliligo, buong likod nito ay nakunan pababa sa kanyang "puwet".

Sa edad na 22 ay handa na siyang tumanggap ng mature roles at aniya, pwede siyang magpaseksi pero hanggang "puwet" lang ang maipapakita nito sa mga eksena. Pinaghandaan talaga ng nagbabagong imahe ang mga eksena. Pinaghandaan talaga ng nagbabagong imaheng aktor ang mga seksing pelikula na posibleng ialok sa kanya sa pamamagitan ng regular nitong paggi-gym kaya naman maraming di siya halos makilala dahil bruskung-brusko na ito at nagkaroon siya ng sex appeal.

Dagdag pa nito, isa pang dahilan ng kanyang pagpapalaki ng katawan ay ang pagkasali nito sa Penis Talks, isang stage play na matagumpay na naipalabas noong isang taon kung saan lahat ng kasali ay kinakailangan magsuot ng skimpy trunks o thongs.

Sa tatlong naging showbiz syota nito namely Sunshine Dizon, Anne Curtis at Alessandra de Rossi ay tanging ang huli ang sumaway sa pagpapaseksi nito. Pinagsabihan siyang huwag nang magpaseksi o mag-bold, dahil hindi na ito kumikita ngayon.

Sa parte naman ni Polo, kung mayroon siyang gustong balikan sa tatlong nabanggit na showbiz syota nito ay pipiliin nito ang nakakabatang kapatid ni Assunta dahil totoo itong magmahal. Inamin nitong may natatarayan sa aktres at taklesa ito pero mayroon umano itong magandang puso dahil kung magmahal ito, pati ang di gaano kagandahang-asal ng tao ay mamahalin niya. — ALEX DATU

vuukle comment

ALESSANDRA

ANNE CURTIS

ASSUNTA

NITO

PENIS TALKS

PINAGHANDAAN

POLO RAVALES

ROOM BOY

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with