^

PSN Showbiz

Oyo Boy, malamig na kay Nadine!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin nang matagal si Oyo Boy Sotto at nagtataka kami kung bakit bigla itong nanlamig sa kaparehang si Nadine Samonte sa Forever My Love. Noon kasi ay lagi itong nakabantay sa set sa magandang aktres at buong ningning na ibinabando kung gaano niya kamahal ang aktres.

"Bakit ka nagbago sa kanya? Nagkabalikan ba kayo ni Anne Curtis?" tanong namin sa aktor.

"Siguro malaki ang nagawa ng aming mga trabaho at pagkakaiba ng schedule. Namis-interpret lang ng mga tao na niligawan ko siya. Hindi naman ako naniniwala sa ligaw, pag gusto ko ang isang babae ay hindi lang puro magagandang katangian ang ipinakikita ko kundi gayundin ang bad side ko."
Kristel, Madaling Umiyak
Madaling gumawa ng pangalan si Kristel Fulgar na nakilala bilang batang Alwina sa Mulawin. Ngayon ay kasama siya sa Forever My Love na naging kaibigan ni Oyo Boy.

Natuklasan ang batang aktres nang mag-audition para sa teleseryeng Bituin bilang batang Carol Banawa.

Naniniwala ito na in-born ang kanyang talent sa pag-arte at madali siyang umiyak sa malulungkot na eksena. "Inaalala ko lang po ang malungkot na mangyayari, pag-iniwan ako ni Mommy at Daddy ko," aniya.

Miyembro si Kristel ng ABS-CBN Talent Center at sa Marina ay ginagampanan nito ang batang si Luna (Meryl Soriano).
Suportado Ng Anak Sa Gay Role
Mabilis ang pag-angat ng career ni Pekto na Michael Nacua sa tunay na buhay at tubong Cebu. Pero dito na siya lumaki sa Maynila. Hindi naman bagito si Pekto na napapanood sa Nuts Entertainment, Bubble Gang at Bahay Mo Ba To? dahil una siyang nagtrabaho sa Channel 5 bilang craftsman at art director. Napasama na rin ito sa Tropang Trumpo ng Channel 5 at sa tulong na rin ni Joey de Leon ay nagkaroon ito ng mga sitcom sa Channel 7. Una namin siyang napanood na may high-pitched na boses hanggang sa gumanap na gay role.

Hindi ba nagtatanong ang mga anak nito dahil sa pagganap na bading?

"Ipinaliwanag ko sa kanila na work lang yun ni Papa. Minsan nga ay natuwa ako sa kwento ng anak ko. May nakita siyang pekeng mga kuko na may kyoteks sa kanilang school at tinatanong nga ako kung gusto ko at ibibili raw niya ako para magamit ko," sey ng komedyante.

Inamin nito na ayaw niyang maranasan ang nasa tugatog ng tagumpay dahil masakit pag bumulusok ito ayon pa kay Pekto.
Blind Item: May Sex Video Ang Seksing Aktres
Nagkaroon pala ng trauma ang isang maganda at seksing aktres dahil sa kanyang sex video. Isinama siya ng isang baklang kaibigan sa isang prodyuser kung saan doon siya kinunan ng sex video hindi sa pakikipag-sex sa lalaki kundi sa ilang babae. Naroong halikan ang boobs niya ng babae at iba pang kababuyan na di talaga ma-take ng sexy star kapag naaalala ito. Kumbaga kumapit siya sa patalim at pumayag sa kagustuhan ng prodyuser ng nagme-mayari ng isang kompanya ayon pa sa isang source.

Kapag sumasagi sa isipan ng sex star ang nangyaring ito ay di niya napigilan ang umiyak. Ipinangako nito sa sarili na never na itong mauulit pa. Siya kasi ang breadwinner sa kanilang pamilya kung saan marami siyang kapatid. Hiwalay na ang kanyang ama at ina kaya’t nagawa niya ito noon.

Dapat ibitin ng patiwarik ang baklang nagdala sa produ gayundin ang huli na imbes na mag-build-up ng artista ay inuna pa ang pambababoy sa aktres.

ANNE CURTIS

BAHAY MO BA TO

BLIND ITEM

BUBBLE GANG

CAROL BANAWA

CENTER

FOREVER MY LOVE

PEKTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with