^

PSN Showbiz

Ang babaeng posibleng maging manugang ni Aga at Janice de Belen

- Veronica R. Samio -
Yes, sa murang gulang ni Luigi "Iggy Boy" Muhlach, ang panganay na anak ni Aga Muhlach kay Janice de Belen, ay marunong na itong umibig. At ang itinitibok ng kanyang puso ay isa ring kabataang babae na nagsisimula pa lamang ng kanyang career bilang artista. Ito si Maja Salvador, mula sa lahi ng mga magagaling at magagandang artista.

Si Maja ang kinuhang latest endorser ng Navy/White, isang brand ng t-shirts na ginawa para sa mga kabataan. Soon, mamamalas na sa Kamaynilaan ang kagandahan ng 15 taong gulang na si Maja na napapanood madalas sa mga programa ng ABS CBN tulad ng ASAP, It Might Be You at MTB. Minsan nang sumamang lumabas si Maja sa imbitasyon ni Iggy Boy pero hindi silang dalawa lamang, may mga kasama silang iba. Pinadadalhan din siya ng bulaklak ng anak nina Aga at Janice at nagtapat nang gusto siyang maging kaibigan.

Samantala, nagsisimula nang gumanda ang tandem nila ni John Prats na unang itinambal kay Heart Evangelista. Ang madalas nilang pagsasama sa taping ng It Might Be You ay dahilan kung bakit nagkakahulihan na sila ng loob, nagsasabihan na sila ng problema. "Pero, we can not be more than friends dahil pareho pa kaming bata at ang concentration namin ay nasa aming career," ang sabi ng magandang teener na excited nang makita ang katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng mga malalaking billboards na siyang pangako sa kanya ng mga nagmemeari ng Navy/White.

Ang Navy/White ay mabibili sa SM at better stores nationwide.

Graduating na sa high school si Maja. Kinailangan niyang lumipat mula sa San Benildo sa Antipolo City sa Distance Learning Center ng ABS CBN sapagkat natatakot siya na baka sa kaabalahan niya sa kanyang pag-aartista ay ma-expel siya sa San Benildo kapag umabot na sa 40 ang absences niya.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan ay nagagawa pa rin niyang gumimik. Pinapayagan naman siya ng kanyang manager sapagkat ito rin ang nagpayo na samantalahin niya ang kanyang kabataan. Safe naman ang kanyang gimik, pumapasyal lamang siya sa mga malls.

May communication pa rin sila ng dad niya, ang aktor na si Ross Rival. Matatandaan na naging isang malaking isyu yung pagkikita nila ng kanyang ama nang manawagan siya sa The Buzz para magkita sila ng kanyang ama na pitong taon na niyang di nakikita. Nang magkaro’n ng pagkakataon ay agad ipinahanap ni Charo Santos Concio ang "Batang naghahanap ng ama". Ito rin ang nagbukas sa kanya ng pinto para siya makapag-artista.

Bagaman at ang mga Salvador ay malapit sa Viva Films, sa ABS CBN siya napunta dahilan nga sa ito ang naging instrumento sa pagkikita nila ng kanyang ama.

Bukod sa kanyang biological father, may stepfather si Maja na itinuturing siyang parang totoong anak. Nasa Japan ito at nagbebenta ng kotse. Nang malaman nito na nag-aartista na siya ay ibinili siya nito ng sarili niyang kotse. Mayroon siyang kapatid dito, si Kirby, edad walong taon.
* * *
e-mail at: [email protected]

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANG NAVY

IGGY BOY

IT MIGHT BE YOU

KANYANG

MAJA

SAN BENILDO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with