^

PSN Showbiz

Live ang finale sa Luneta ng 'Basta't Kasama Kita'

-
Isang "daring television first" ang mapapanood ngayong araw na ito ng September 10 sa ABS-CBN, dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng brodkasting sa Pilipinas ay magtatanghal ang isang teleserye nang live. At hindi lang basta live – gaganap din ang mga superstars na sina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa isang kakaibang entablado: Ang Luneta Park.

Lahat ng ito ay ginagawa ng ABS-CBN para suportahan ang maaksyong ending ng Basta’t Kasama Kita, ang nag-iisang action-drama teleserye sa telebisyon.

Dahil dito, hindi lang basta-basta ang ending ng Basta’t Kasama Kita – magiging television event din ang episode na ito, dahil ang huling eksena ng Basta’t Kasama Kita ay itatanghal ng live sa Luneta Park, pagkatapos ng isang motorcade sa Metro Manila ngayong hapon. At upang makapanood din ang mga kapamilya na nasa National Park, magtatayo rin ng isang ispesyal na wide screen projection system ang ABS-CBN sa Luneta para makita ng lahat ang buong huling episode ng Basta’t Kasama Kita.

Magtatapos din ang isa sa pinakamalakas na teleserye ng ABS-CBN. Nakakuha ito ng rating na 45.6% sa Mega Manila at 47.3% sa Metro Manila sa unang airing day pa lamang. At hindi rin kumupas ang kapit nito sa manonood – sa ratings mula July at August 2004, nag-average ng 36.5% rating ang teleseryeng ito. Lumalakas din ang ratings ng show ngayong patapos na ang kwento nito – 38% ang average ng July to August, with a high of 41.30% on August 12.

Samahan sina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa isang "broadcasting first" sa pagsasara ng Basta’t Kasama Kita.

vuukle comment

ANG LUNETA PARK

BASTA

JUDY ANN SANTOS

KASAMA KITA

LUNETA PARK

MEGA MANILA

METRO MANILA

NATIONAL PARK

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with