^

PSN Showbiz

Darating si Sheryl Cruz para sa ABS-CBN

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Totoo palang babalik ng bansa si Sheryl Cruz para sa isang bagong soap opera ng ABS-CBN. Kasama sa kanyang kontrata ang paglabas niya sa pelikula ng Star Cinema. Sasamahan si Sheryl sa kanyang pag-uwi ng ‘Pinas ng kanyang asawa at ng kanilang anak na babae.

Tiyak na may mga magri-react sa pagdating ni Sheryl at sasabihin nilang trabaho’t kontrata sa Ch. 2 at Star Cinema lang pala ang makaka-engganyo sa kanyang bumalik. Matatandaang naging malaking isyu ang hindi niya pag-uwi nang mamatay ang amang si Ricky Belmonte dahil kapapanganak lang niya. Naging malaking isyu ‘yun at kinailangang ipagtanggol siya ng tita niyang si Susan Roces.

Sayang at nasa Mulawin ng GMA-7 si Romnick Sarmenta. Maganda sanang pagsamahin sila ni Sheryl sa soap opera o pelikula’t dati silang magka-loveteam. Papayag naman siguro sina Harlene Bautista (wife ni Romnick) at Norman (something, husband ni Sheryl) na magtambal ang dalawa for old time’s sake.
* * *
Kaaliw si Alicia Mayer nang mapanood namin sa Extra Challenge noong isang gabi. Naimbyerna ito nang paghahalikan ng iba’t ibang lalaki habang nanghihingi ng donation sa Baguio City at sa inis ay nakapag-dialogue ng "Isusumbong ko kayo kay Edu" na ikinaloka nina Paolo Bediones at Phoemela Barranda.

Humirit pa ito ng "Baka isampal sa akin ang talent fee ko rito." at "Sa palagay n’yo matutuwa si Edu ’pag napanood ito?" Sabi ng dalawang host, bakit daw nasama si Edu sa usapan?

Si Alessandra de Rossi naman ang na-shock sa dagdag na dialogue nitong "Simula bata pa ako, pinagnanasahan na ako, kaya, sanay na sanay na ako." Nanlaki ang mga mata ni Alex habang nagri-react. Ha-ha-ha!

Swabe ang pag-amin ni Alicia na sila pa rin ni Edu Manzano at sa Extra Challenge pa ginawa. Baka naman after this, mag-deny pa ang dalawa.
* * *
Naaliw tayo sa one-liners at quotables quotes na pinakawalan ni Melanie Marquez sa sunud-sunod niyang TV guesting noong kainitan ng word war nila ni Kris Aquino.

Ang hindi natin alam, pati off camera’y kwela rin si Melanie.

Gaya na lamang nang mag-guest siya sa S-Files. Bago siya isalang sa interview, hiningi nito ang list ng questions na itatanong sa kanya na agad namang ibinigay ng PA. Pero, hirap na hirap itong basahin ang nakasulat kahit nakatutok na ang kanyang mga mata sa papel na naglalaman ng mga itatanong sa kanya.

Bigla na lang itong nag-dialogue ng "Naku, ‘di ko mabasa, ‘di ko dala ang mirror ko!" Nagulat ang mga nakarinig at ‘di maintindihan kung anong mirror ang binanggit nito. Bawal tumawa’t baka magalit si Melanie, kaya, ngumiti na lang ang mga nakarinig sa kanyang sinabi.
* * *
br>More ratings result: Monday, August 2:

Good Morning Kris
(ABS-CBN), 14% vs. Sis (GMA-7), 14% Gata Salvaje (Ch. 2), 19% vs. Irene (Ch. 7), 21% MTB (Ch. 2), 16% vs. Eat Bulaga (Ch. 7), 21% K Cinema (Ch. 2), 14% vs. Daisy Siyete (Ch. 7), 19% Sarah (Ch. 2), 11% vs. Ikaw Sa Puso Ko (Ch. 7), 16% Sandara’s Romance (Ch. 2), 11% vs. Stage 1 (Ch. 7). 16% Mangarap Ka (Ch. 2), 16% vs. Ostar (Ch. 7), 20% Star Circle Reload (Ch. 2), 23% vs. HX Hunter ( Ch. 7) 25% TV Patrol (Ch. 2), 31% vs. 24 Oras (Ch. 7), 25% Victim (Ch. 2), 28% vs. Extra Challenge (Ch. 7), 31% Marina (Ch. 2), 38% vs. Mulawin (Ch. 7), 1st half 36% Basta’t Kasama Kita (Ch. 2), 35% vs. Mulawin (Ch. 7), 2nd half 36%.

For Tuesday, Aug. 3, ratings lang ng Mulawin at mga katapat nitong show ng Ch. 2 ang na-text sa amin. Na-maintain nito ang 36%, nakakuha naman ng 37% ang Marina at 35% ang Basta’t Kasama Kita.

vuukle comment

ALICIA MAYER

BAGUIO CITY

DAISY SIYETE

EDU

EXTRA CHALLENGE

KASAMA KITA

MULAWIN

SHERYL

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with