^

PSN Showbiz

Sarsi, pinagsisihan ang pagdo-droga

-
Tahasang inamin ng dating bold star na si Sarsi Emmanuelle na siya’y nagkamali sa mga desisyon niya sa buhay kaya niya sinapit ang pagdarahop at maagang pagkawala sa sirkulasyon ng showbiz.

"Naging curious kasi ako noon sa mga maling bagay kaya sinubukan ko," ani Sarsi na ang ibig tukuyin ay ang bawal na gamot at ang premarital sex na naging dahilan para siya’y mabuntis nang maaga.

Kasalukuyang lumalabas sa soap opera na It Might Be You sa Channel 2 si Sarsi. Ginampanan niya ang papel ng babaeng umampon kay Bea Alonzo. Okay lang sa kanya maski supporting role ito, ang mahalaga’y may pinagkakakitaan siya. Bago siya lumabas sa TV ay tiketera siya sa perya sa Cavite kung saan ay nagtatrabaho rin ang ka-live in niya ngayong si Nestor.

"Mahal ko ang propesyong ito kaya ngayong binigyan ako ng panibagong pagkakataon ay mas lalo ko itong mamamahalin," ani Sarsi. — Dennis Abodas

vuukle comment

BEA ALONZO

CAVITE

DENNIS ABODAS

GINAMPANAN

IT MIGHT BE YOU

KASALUKUYANG

SARSI

SARSI EMMANUELLE

SIYA

TAHASANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with