Hero,hinika sa sobrang pagod
June 18, 2004 | 12:00am
Bukas na ang pilot telecast ng EK Channel, ang bagong programa ng ABS-CBN hosted by Rica Peralejo, Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Angelika dela Cruz. Ang EK Channel ay isang talk-variety-makeover-reality show na tinagurian ng ABS-CBN na showbiz parlor on air.
Excited sina Marvin at Dominic sa kanilang bagong show. In fact, halos hindi sleepless nights lately si Dominic dahiil sa show. Iniisip niya kung paano magiging kakaiba ang istilo niya bilang host.
"Nag-uusap kami ni Marvin ng magiging style namin," sabi ni Dominic. "Masaya ito."
Sa kwento ni Dominic, mukhang masaya ang magiging outcome ng EK Channel. Sa rami ng segments ng show, exciting nga ito. Ilan sa mga segments ay ang "Aayusin Kita," "Teka, Teka Text", "Chikarazzi", "Star Warlas", "Ur Da Boss" at iba pa.
One very exciting about EK Channel ay ang Chikarazzi, ang segment searching for the next showbiz reporter. Mula sa daan-daang nag-audition, napili na ng ABS-CBN ang 10 contestants.
Sa imbitasyon nina Rizza Ebriega at Ethel Manaloto-Espiritu, EK Channel supervising producers, nagpaunlak ako ng isang talk sa sampung contestants. Kasama ko sa nasabing talk sina Roxy Liquigan (Star Cinema AdProm director) and Leah Salterio (ABS-CBN PR Director).
Impressive ang sampung candidates. Pawang mga bagito. Graduate sila mula sa ibat ibang reputable schools. When asked kung bakit sila nag-try out, "Gusto lang namin, masaya e. I think nasa puso namin ang showbiz," sabi nila.
Ang EK Channel ay mapapanood bukas, 2:30 ng hapon sa ABS-CBN. Si Danni Caparas ang director nito.
Ayon kay Victim Extreme executive producer Rocky Ubana, maysakit si Hero nang i-shoot ang nasabing segment. Nagkaroon daw ito ng ashtma attack kaya hindi pwede sa shoot. Bumigay na ang katawan ni Hero dahil sa sobrang pagod.
Nagkaroon din ng kaunting delay ang taping ng SCQ Reload dahil may sakit si Hero. Pero nakapag-OBB (opening billboard) na raw at nakapag-pictorial na ang cast.
Pero habang sinusulat ko ang column na ito, magaling na si Hero. Nakapag-taping na raw ito.
"Okey na siya sa first taping day, tumaba nga ng kaunti, e," says SCQ Reload supervising producer Maru Benitez. "Ang saya nilang tingnan na magkakasama ulit sa isang show."
Magpa-pilot telecast na ang SCQ Reload sa last week of June.
"Finally, napi-feel ko na yung effect," sabi nito. "Kasi when I started my diet, naiinis ako kasi ang feeling ko, walang effect. Hindi pa rin ako sumuko, sinabayan ko ng exercise kaya eto medyo nabawasan na talaga."
Sa Because Of You, maikukumpara raw ang role ni Besa role ni Claudine Barretto sa Got 2 Believe. Mula sa isang seryosong aktres sa It Might Be You, kikay naman si Bea sa pelikula.
"Iba po talaga," sabi nito. Yung character, malayo sa ginagawa ko sa TV pero its still love story-drama."
Excited na si Bea dahil nakatakdang ipalabas ang Because Of You sa July. Si Laurenti Dyogi ang direktor nito. Kasama rin sa movie sina Nikki Valdez, Lui Villaruz at iba pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















