^

PSN Showbiz

Vicky Belo, magta-taray sa S-Files

-
Mahigpit na magkalaban ngayon sina Dr. Vicky Belo at Rosanna Roces. Umano’y nasiraan ang pagkatao ng doktora nang magpa-interview si Osang sa ibang talkshow. Ngayon, sasagutin niya ang lahat sa S-Files (GMA 7). Kaya abangan ninyo ang mala-bulkang galit ng mala-celebrity na doctor sa pamamagitan ng mga talkshow host na sina Richard Gomez, Janice de Belen and Paolo Bediones.

Si Lotlot at ang nababalitang boyfriend niya ngayon, si Ramon Recto, aktor at politician na rin ngayon at kapatid ni Sen. Ralph Recto! Sila na nga ba? Aminin kaya nila sa S-Files or sabihing just friends lang sila?

Galit-bati, hiwalay-balikan sina Niño Muhlach and wife Edith. Ang sama-sama daw ng loob ni Edith kay Niño kaya dumating na sa puntong gusto nitong tuldukan ang kanilang pagsasama. Talagang hindi na raw kakayanin ni Edith ang pagiging womanizer ni Niño (ano ang bago?)

Si BJ Fairy naman ay mang-ookray ulit (Okrayan) sa ginanap na first Golden Screen Awards na ginanap kagabi sa Meralco Theater. Walang tulugan (siesta time) ngayong hapon sa GMA 7, 4 o’clock. — LGC

vuukle comment

AMININ

DR. VICKY BELO

GOLDEN SCREEN AWARDS

MERALCO THEATER

PAOLO BEDIONES

RALPH RECTO

RAMON RECTO

RICHARD GOMEZ

ROSANNA ROCES

S-FILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with