Flosina ang Annie B!
ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon () - March 12, 2004 - 12:00am
Noong isang araw nadaanan namin ang isang sinehan na naglalabas ng pelikula ni Jolina Magdangal at may nakalagay na nga roong "last day". Natural naman yong magbawas na sila ng sinehan dahil nakalipas na ang isang linggo, pero hindi maikakaila ang katotohanan na flop ang pelikula ni Jolina.

Maraming dahilan ibinigay kung bakit hindi kumita ang pelikula ni Jolina. Unang-una ay ang katotohanan na hindi nai-promote ng mabuti ang pelikula. Madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw ang kanilang publisidad. Para bang sadyang inilihim na palabas na pala ang pelikula. Wala halos napanood na trailer sa TV. Bukod doon ay kakaunti rin naman ang kanilang promo.

May nagsasabi rin na mukhang naapektuhan si Jolina ng kanyang "political leaning" kaya hindi raw siya sinuportahan ng masa.

Ang palagay naman namin ang talagang problema ay yong binarat nga ang promo ng kanyang pelikula. Kung yan ay nai-promote ng mahusay, kahit na papaano naman siguro kikita ang pelikula. Eh Siguro ang akala ng mga tao re-issue iyan ng lumang pelikula, walang publisidad eh.

Sa parte naman ni Jolina, palagay namin ang dapat niyang gawin ay gumawa agad ng isa pang pelikula maipo-promote ng mahusay at kikita para makabawi naman siya dahil kung hindi at ang matatanim sa isipan ng mga tao ay yang flop na pelikulang iyan, maaapektuhan na nang husto ang kanyang career. Baka mahirapan na siyang makabangon pa.
* * *
Noong isang gabi, nang maging guest sa Master Showman Presents ang sexy star na si Rose Valencia, nasabi niya sa amin na talaga raw sa ngayon bago siya tumanggap ng mga out of town shows ay mag-iisip muna siya.

Kung hindi nga lang daw nauna ang promo schedule noong pelikula niyang Check Inn, malamang natanggap din nila yong show na siyang pinuntahan ni Halina Perez sa Bicol. Baka sila ang nadisgrasya kung nangyari yon.

At take note ha, may promo schedule yong pelikulang Check Inn. Talo pa ang pelikula ni Jolina na hindi nai-promote ng husto. Hindi ba nakakapundi talaga yan.
* * *
Kailangang maging wise ang mga artista ngayon, lalo na roon sa kumukuha sa kanila para sa kampanya, na binabarat sila kagaya nang ginagawa ng isang matandang bakla na matagal nang balita sa kabalasubasan, Tinatawaran daw na parang talakitok ang mga artista, tapos yon pala mas malaki pa ang napupunta sa kanya. Talagang matagal nang dapat kasuhan ng pandarambong ang matandang baklang yan dahil marami na talaga siyang ginagawang kasalaulaan.

CHECK INN EH SIGURO HALINA PEREZ JOLINA JOLINA MAGDANGAL MASTER SHOWMAN NOONG PELIKULA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with