Natatanging tinig ng kabataan ni Jolina
() - January 20, 2004 - 12:00am
Hindi na nga matatawaran ang nakamit na tagumpay ni Jolina Magdangal. Sa kanyang edad, napakalayo na ng narating niya sa larangan ng showbiz. Mula sa pagkanta, pag-arte at sa pagiging businesswoman, pati ang role ng isang youth advocate ay nagampanan niyang mabuti. Sa katunayan, mismo ang gobyerno ang nagtala sa kanya bilang official youth spokesperson at sa kanya rin ipinagkaloob ang pinagpipitaganang Youth Role Model Award. Natanggap rin niya ang Medal of Honor sa National Youth Commission bilang "outstanding youth role model." Bukod pa dito, na-appoint din siya ng Komisyon bilang natatanging National Youth Advocate.

Bilang idolo ng mga kabataan, taglay ni Jolina ang mga katangian at talentong nagdala sa kanya bilang isa sa mga top singers ng ating industriya. Sa anumang istasyon ng radyo, pinakikinggan ang kanyang mga kanta. Pinatunayan ito ng walong gold record awards, tatlong platinum record awards, apat na double platinum record awards, dalawang triple platinum record award, dalawang quadruple platinum record awards, at ang bibihirang makuhang quintuple platinum record award na nakamtan lahat ni Jolina. Sa linaw at ganda ng kanyang boses at sa kanyang mga kantang Pinoy na Pinoy ang dating, hindi kataka-taka na si Jolina ang masuwerteng napili ng bagong lunsad na GMA Records na maging banner artist para sa initial album offering ng kumpanya – ang "Jolina Forever".

Ngayong 2004, mas malinaw ang daan ni Jolina sa mas malayo pang tagumpay. Bukod sa dalawang regular shows niya sa GMA – ang weekend concert TV na SOP at ang high-rating weeknight drama na Narito Ang Puso Ko, dagdag pa dito ang isang bagong album at ang upcoming movie niya, marami na nga ang sumusubaybay sa pagdating ng bagong Jolina at ang marinig na muli ang kanyang walang kupas at natatanging tinig na siguradong muling tatangkilikin ng mga kabataang Pilipino.

BUKOD JOLINA JOLINA FOREVER JOLINA MAGDANGAL MEDAL OF HONOR NARITO ANG PUSO KO NATIONAL YOUTH ADVOCATE NATIONAL YOUTH COMMISSION PINOY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with