^

PSN Showbiz

Mahal, nakikiusap sa Dos na ibalik sa Willie sa MTB

-
Gagawa ng paraan si Mahal na maipaabot sa management ng ABS-CBN ang nais nitong maibalik si Willie Revillame sa pangtanghaling programang MTB (Masayang Tanghali Bayan). Hahanap siya ng pagkakataon para maipahayag ang kanyang saloobin.

Matatandaang si Mahal ang naging dahilan kung bakit tuluyang inalis sa programa si Willie. Masyadong "in bad taste" ang ginagawang pagbibiro sa kanya ng komedyante na napansin ng MTRCB kaya nagpadala ito ng memorandum na dapat alisin ang komedyante sa programa kung hindi, mapipilitan silang ipaalis ang programa sa ere.

Ayon kay bulilit ay nakukonsensya siya na iisipin ng mga tao na hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob sa taong nakatulong ng malaki sa kanyang career. Si Willie ang rason kung bakit may isang Mahal sa MTB at ito pa rin ang may kagagawan kung bakit may Mahal & Mura tandem.

Nagpaliwanag ito na hindi siya apektado sa mga naging biro sa kanya ni Willie at kahit may pagka-below the belt ang dating sa mga manonood ay naintindihan iyon ni bulilit. Hindi lang sa MTB binabanatan ng matinding biro si bulilit, pati sa mga out-of-town shows nito na kasama ang komedyante ay hindi pa rin siya nakakaiwas sa pagbibiro nito. (Ulat ni ALEX DATU)

vuukle comment

AYON

GAGAWA

HAHANAP

MASAYANG TANGHALI BAYAN

MASYADONG

MATATANDAANG

NAGPALIWANAG

SI WILLIE

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with