^

PSN Showbiz

Nathalie de Leon,balik-bayan na gustong sumikat dito !

- Veronica R. Samio -
Hindi mo naman pagkakamalang anim na taon nang naninirahan sa San Jose, California ang l6 na taong gulang na si Nathalie de Leon. Matatas itong managalog at hindi nawawala ang mga magagandang kaugaliang Pinoy na kinalakhan niya rito bago sila pumunta ng Amerika ng kanyang pamilya dahil sa trabaho ng kanyang mga magulang. Parehong sa kumpanya ng computer nagtatrabaho ang mga ito.

Dalawang magkapatid lamang sina Nathalie at ang kapatid niyang si Patrick na kakambal niya. Kung medyo may kaliitan si Nathalie, napakatangkad naman ni Patrick. Hindi dito natatapos ang kanilang pagkakaiba dahil kung gaano niya kagustong maging isang artista ay sa iba naman ang interes ng kanyang kapatid, wala sa showbiz.

Maliit pang bata si Nathalie ay mahilig na itong umarte. Madalas siyang makuha sa mga school plays. Bumalik siya ng Maynila para dito subukan ang kanyang swerte sa pelikula. Sumailalim na siya sa isang acting workshop kay director Lore Reyes.

Isa pang talino ni Nathalie ay ang pagsasayaw. Bagaman at wala siyang pormal na training para rito, hindi matatawag na ordinaryo ang kanyang pagsasayaw.

Kasama ni Nathalie na umuwi rito ang buo niyang pamilya, ang kanyang mga magulang at kapatid pero, ang ama lamang niya ang makakasama niya rito. Babalik ng US ang kanyang ina at kapatid. Sa kapatid ng kanyang ina sila tumutuloy.
* * *
Napanalunan ng Homecoming sa katatapos na Metro Manila Filmfest Awards Night ang Most Gender Sensitive Film award, isang special award na ibinigay ng Quezon City sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte, ang kauna-unahan na ibinigay sa Philippine cinema. Ibinibigay ito sa isang pelikula na nagpapakita ng relevant at realistic issues related to gender concerns, tulad ng status and contributions of women in relation to men, community, society at nation building. Pagpapakita ng mga traditional biases na humahamon sa tungkulin ng lalaki at babae sa pamilya, relihiyon, edukasyon at media at kung paano ito ipinapakita sa pelikula.

Sinabi ni Ms. Joy Belmonte, isa sa mga jurors ng MMFF, na ang character ni Alessandra de Rossi na naging matagumpay sa kabila ng SARS at ng mga naging malungkot na pangyayari sa kanyang buhay ay kumakatawan sa maraming Pinoy na umaalis sa bansa para magtrabaho sa abroad. Namayani pa rin ang kanyang lakas bilang isang babae.

Nanalo rin ang theme song ng Homecoming na kinompos ni Arnel del Rosario at Nilo Alcaloa.
* * *
Hindi man nanalong best actress ng MMFF si Sharon Cuneta, siya naman ang piniling pinaka-mahusay na aktres ng People’s Choice para sa pelikulang Crying Ladies ng Unitel Pictures,

Ang pelikula rin ang nag-iisang ginawaran ng Cinema Evaluation Board ng A rating. Sa kanyang acceptance speech kinilala ng producer na si Tony Gloria ang naging kontribusyon ng mga nagtrabaho sa pelikula na ang karamihan ay nagmula sa industriya ng advertising nagpasalamat din siya sa mga naging artista niya sa pelikula. Na base sa isang Palanca award-winning script na sinulat ng direktor ng pelikula na si Mark Meily.

vuukle comment

CINEMA EVALUATION BOARD

CRYING LADIES

KANYANG

LORE REYES

MARK MEILY

MAYOR SONNY BELMONTE

METRO MANILA FILMFEST AWARDS NIGHT

NATHALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with