Si Maui Taylor bilang Pia Moran
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - September 25, 2003 - 12:00am
Isa na namang "perfect casting" ang hatid ng nangungunang drama anthology na Maalaala Mo Kaya ngayong gabi, dahil ihahatid nila ang seksing si Maui Taylor sa kwento ng isa sa mga nangungunang sex symbols ng dekada ’70 at ’80 – si Pia Moran.

Ang award-winning director na si Rory Quintos, ay magbabalik sa Maalaala Mo Kaya para i-direk ang episode na ito, na sinulat ng headwriter ng MMK na si Mel del Rosario.

Ang pagiging petite, kyut pero kaakit-akit sa mga lalaki ay ang mga physical characteristics na tugmang-tugma kina Maui at Pia, ngunit nadagdagan pa ito ng preparasyong dinaanan ni Maui para magampanan ng maayos ang buhay ni Pia. Ilang araw din ang dance rehearsals na pinagdaanan ni Maui sa ilalim ng supervision mismo ni Pia. Nag-usap din ang dalawa upang mas makuha ni Maui ang mga mannerisms ni Pia.

Kilala sa kanyang pagsayaw at pagpapasikat ng mga disco hits na "Body Language" at "Earthquake", pinanganak si Pia Moran bilang Maria Susan Casiño. Bata pa lamang ay mahilig na ito sa pagsasayaw, ngunit nang iniwan ng tatay ni Susan ang kanyang pamilya noong teenager pa lang siya, ang angking ganda at alindog ni Susan ang tumulong sa buong pamilya Casiño. Pumasok ito bilang "living mannequin" sa mga department store sa Cubao. Doon ay na-discover siya, pinangalanang Pia Moran, at napasok sa pag-aartista.

Ngunit biglaan man ang pagsikat ni Pia ay ganoon din kabilis ang kanyang pagkawala sa showbiz. Ano ba ang misteryo na bumabalot sa biglaang pagkawala ni Pia Moran sa mundo ng showbiz?

Ikukwento ni Pia ang lahat sa Maalaala Mo Kaya mamayang gabi.
* * *
Ipinararating ng mga kaibigan naming members ng Simply John Lloyd-Bea Philippines at Solid Friends of John Lloyd Cruz na magkakaroon ng mall tour si John Lloyd ngayong Sunday, September 28 sa SM Centerpoint.

Sa October 29 na ang showing ng My First Romance na magtatampok sa loveteam nina John Lloyd at Bea sa isang movie na ka-twinbill naman sina John Prats at Heart Evangelista.

Puspusan na ang shooting ng dalawa para sa kanilang launching movie. Kinailangan ngang mag-leave ni Don Cuaresma sa pagdidirek ng Kay Tagal Kang Hinintay to make sure na matututukan niya ang mga eksena sa kanyang debut diretorial job.

"Iba ang movie, eh, sabi ni Direk Don. "Gusto ko na matuwa ang mga followers nila sa mapapanood nila. Ako rin, this is my first movie kaya gusto ko rin na may masabing maganda sa trabaho ko.
* * *
For your comments and reactions, you can reach me at ericjohnsalut@yahoo.com

BODY LANGUAGE DIREK DON DON CUARESMA JOHN LLOYD MAALAALA MO KAYA MAUI PIA PIA MORAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with