^

PSN Showbiz

Superstar, tinatawanan na lang ng pinsan

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Tawa nang tawa ang nananahimik na si Maribel Aunor nang tanungin namin siya tungkol sa madalas na pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa iba’t ibang kolum kapag napag-uusapan na ang tungkol sa mga utang ng kanyang pinsang si Nora Aunor.

Nagugulat na nga lang daw siya kung bakit, dahil wala naman siyang nakakakwentuhan tungkol du’n. Nahihiya tuloy siya sa kanyang Ate Guy dahil baka raw isipin nito na sa kanya nagmumula ang mga naglalabasang kwento.

Hindi naman kaya ang mga dating tauhan ng superstar ang naglalabas ng kwento? Alam daw kasi ng mga ito ang madalas na pagtakbo sa kanya noon ni Nora. Na ang pinakahuli ay nang mangutang ito ng pangtustos sa concert nito sa Araneta nu’ng nakaraang taon at hindi itong katatapos lang?

"Hindi ko alam, wala talaga akong balita, masyado kasi akong abala sa negosyo ko, kaya detached na talaga ako ngayon sa showbiz," napapailing pa niyang sabi.

Kung minsan nga raw ay magugulat na lang siya dahil may nagsasabi sa kanya na nakasulat siya sa ganito at ganyang tabloid, baon daw sa utang sa kanya ang superstar, dahil nalululong nga ito sa casino.

"Like ’yung sinasabi nilang pagka-casino ni Ate Guy, wala akong kaalam-alam du’n dahil hindi naman kasi kami nagkikita at nagkakausap!

"Mula nu’ng mamatay ang father ko, hindi na kami nagkakaroon ng communication. Si mama ang nakakausap niya kung minsan, pero nasa Pangasinan naman ang mama ko, kaya hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya," natatawa pa ring sabi ni Lala.

Totoo nga ang kasabihang minsang naging artista ay mananatiling artista dahil sa mga intrigang nakakapit na sa kanilang balat kahit may iba na silang linya tulad ng nagaganap sa kanya ngayon.

Totoong nasa pagpapadala na ng mga kababayan natin sa iba’t ibang bansa ang kanyang linya ngayon. Nagiging guest na lang siya sa mga programang hindi niya matatanggihan ang nang-iimbita, pero may ikatlong henerasyon ang pamilya Aunor na malapit nang umeksena sa pagkanta.

Magkakaroon ng formal launching ng album ang kanyang bunsong anak na si Ashley, limang taong-gulang pa lang ngayon na nag-aaral sa Brent International School. Tulad niya ay magaling ding kumanta ang kanyang bibong anak.

Napanood na naming kumanta si Ashley nang buksan ang kanyang bagong Japanese bar sa Malate at parang pinaliit na Maribel si Ashley, plakado ang itsura ng mag-ina, mas bibo nga lang ang bata kaysa sa kanya.

"Si Tito Alex (Catedrilla) ang nag-conceptualize ng album, siya rin ang nag-compose ng mga songs ni Ashley, biruan lang ito nu’ng una.

"Gusto ko lang masanay sa tao ang anak ko, ayoko siyang lumaking aloof, pero ang sabi ni Tito Alex, eh, bakit hindi raw namin i-release ang album ng anak ko?

"Ayun, nagkatuloy-tuloy na, kinumpleto na namin ang album at ire-release na nga," tawa nang tawang sabi ng mahiyaing ina ni Ashley.

Ang inaalala ni Lala ngayon ay si Manay Belen, ito kasi ang masya

dong sensitibo pagdating sa mga isyu sa kanilang pamilya, may edad na ang kanyang ina at ayaw na niyang nag-aalala ito.

"Alam n’yo naman si mama, ayaw niyang may isyung lumalabas na makasisira sa aming magpipinsan, ayaw niya ng gulo, lalo na’t abala siya ngayon sa isang Christian congregation sa probinsya.

"Wala talaga akong alam kung ano na ang nangyayari kay Ate Guy, kung totoo mang nagka-casino raw siya, huwag naman sana.

"Hindi sana totoo ’yun," pagtatapos ng dating myembro ng pamosong grupo nu’ng dekada ’70, ang Apat Na Sikat, na si Maribel Aunor.

vuukle comment

ASHLEY

ATE GUY

KANYANG

LANG

MARIBEL AUNOR

SIYA

TITO ALEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with