^

PSN Showbiz

Anna Dizon, hinihikayat sa pulitika

-
This year, sa araw na ito (Friday—Sept. 12) sa fiesta ng mga taga—Socorro Mabuhay 1, Oriental Mindoro ay tiyak na dadagsa ang mga hukbo-hukbong fans, sa iba’t ibang parte ng naturang lugar para panoorin ang libreng pa-show na sponsor ng "Singing Star of the New Millennium" na si Anna Dizon. Yes, si Anna ang lahat nang nag-shoulder ng mga prizes para sa mga palaro, singing contest at iba’t iba pang mga akitibidades partikular na ang entertainment. Kinuha ng sikat na recording artist-businesswoman para mag-perform bukas ng gabi ang dating Sex Goddess ng Seiko Films na si Nini Jacinto at comebacking singer-actor na si Romano Vasquez, ilang mga kilalang sing-along-masters, at magpartner na comedian na sina Bentong at Bentot Jr. Panauhing pandangal din ang sikat na gobernador ng Mindoro na si Gov. Marasigan na very much willing na sumuporta sa candidacy ni Anna sakaling ituloy nito ang planong pagtakbo bilang town mayor ng Socorro, kung saan mismong ilang matataas na opisyal ng gobyerno at simbahan kasama ng mga constituents ng Oriental Mindoro ang siyang humihikayat hanggang ngayon sa sikat nang singer para tumakbo sa 2004 election. Pero as of presstime, wala pang pinal na desisyon si Anna. Magmula nang itayo ng Singing Star of the New Millennium ang kanyang Villa Anna na ngayon ay dine-develop na resort ay marami na siyang natulungan doon. Dahil sa hirap sa tubig ang mga tao roon, ipinagpatayo niya ang mga ito ng deep well pump. Ngayon, sagana na ang ka-lugar niya sa inuming tubig, panligo at panlaba.

By the way, bago ang libreng pa-show ni Anna ay magkakaroon muna ng parada sa umaga kung saan handog din niya ito para sa lahat. Pero siyempre ang higit sa inaabangan ng lahat ng mga tao roon ay ang paglabas sa entablado ng ini-idolo nilang si Anna Dizon. Si Epie Reyes, ang talent coordinator. PL

vuukle comment

ANNA

ANNA DIZON

BENTOT JR

EPIE REYES

NINI JACINTO

ORIENTAL MINDORO

PERO

ROMANO VASQUEZ

SINGING STAR OF THE NEW MILLENNIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with