Walang nanliligaw kay Sarah
September 9, 2003 | 12:00am
Sinasabing ang mga factor sa mabilis na pagsikat ng Popstar na si Sarah Geronimo ay ang kanyang kahusayan sa pag-awit at angking kagandahan. Wala pa siyang isang taon simula nang tanghalin siyang grand champion sa Star For A Night, katunayan wala pang nakukuhang susunod sa kanya sa nasabing amateur singing contest na nasa GMA na at may pamagat na Search For A Star but still hosted by Sarahs favorite and idol, Regine Velasquez pero, kilalang-kilala na si Sarah sa buong Pilipinas.
Ang mga istasyon ng radyo ay walang tigil sa kapapatugtog ng kanyang winning piece na isang original ni Celine Dion. This is probably the reason kung bakit sinasamantala ng Viva Concerts ang kanyang kasikatan. Bukod sa isang major concert na nakatakda niyang gawin sa Music Museum sa ika-4 ng Oktubre na pinamagatang Popstar: A Dream Come True, mayroon din siyang ginawang isang album na ang titulo ay halos kapareho ng kanyang konsyerto, "Sarah Geronimo Popstar...A Dream Come True".
Pormal na inilunsad kahapon ng tanghali ang kanyang album sa Country Waffles sa Greenhills at muli, pinahanga ng 15 taong gulang na singing champ ang media sa kanyang husay kumanta. Pinalakpakan nila ng husto ang magandang pagkakakanta niya ng mga ilang komposisyon sa kanyang album tulad ng "Forevers Not Enough", ang carrier song ng album, "Broken Vow" na pinag-duetan nila ng guwapong co-finalist niya sa Star for a Night na si Mark Bautista (come to think of it, pwede silang gawing loveteam ng Viva. Malakas ang chemistry nila) na napakaganda ng pagkakanta nila at napaka-ganda rin ng pagkaka-areglo ni Alvin Nuñez.
"Ngayon ko lang na-realize na napaka-hirap pala ng mga songs sa album ko," amin ni Sarah na hindi kinakitaan ng pagkawala ng loob sa mga matataas na bahagi ng kanyang mga awitin.
Magagaling ang mga nagbigay ng awitin sa album ni Sarah. Gaya ni Ogie Alcasid ("If Only", "Narito"), Dennis Garcia ("Just Believe"), Wency Cornejo ("Twin Hearts", "We Are Tomorrow"), George Canseco ("Paano Kita Mapasasalamatan"), Jim Paredes ("When I Met You") at marami pang iba.
Ilulunsad din sa Cebu ang debut album ni Sarah sa Set. 12. Pagbabalik niya ng Maynila, magkakaroon siya ng grand launch sa SOP na susundan ng isang mall tour.
Ang saya-saya naman ng napaka-eksklusibong birthday celebration ng movie producer at MPDAP prexy na si Wilson Tieng.
Ang affair ay ginanap sa napaka-sosing tindahan ng mga Tieng sa Podium na may pangalang Living Well, isang store na nagtitinda ng mga gamit na pambahay na may signature labels at dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kasamahan sa pelikula (Mother Lily and son Dondon Monteverde, directors Joel Lamangan, Mel Chionglo and Maning Borlaza Mayor Rey and Gigi Malonzo, Tatus Aldana, ang buong MTRCB headed by its chairman Consoliza Laguardia, sexy stars, Maricar de Mesa, Belinda Bright, Julia Lopez, Gee Girls, Lyn Tamayo, Offie Angeles and Melvyn Dizon, Garry Cruz), mga di nakakalimot na mga kaibigan na napakarami pala (Rudy Fuentes, Joy Mendez, Dr. Joel Mendez, atbp) at members of the media.
Nagkaroon ng isang maikling musical program hosted by Patricia Ysmael at Rey Kilay. Nagkaroon ng sing-along at naging game ang lahat ng bisita including the celebrator himself.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended