^

PSN Showbiz

Arnold,Susan marami nang pinataob na kalaban

-
Sa kauna-unahang pagtatanghal ng Emergency noong Oktubre ng 1995, isang opisyal ng network ang nagsabing siguradong tatalunin nito ang katapat nitong programa. Noon, walang nag-akalang higit pa dito ang mangyayari.

Mula noon, madalas nang nangunguna sa ratings ang Emergency sa late night current affairs programs. Lima sa mga palabas ng ABS-CBN na nakatapat nito ang wala na ngayon sa ere (Dong Puno Live, The Inside Story, Jullie, True Crime at Isyu 101 with Korina Sanchez and Cito Beltran). Ang pinakabagong katapat nito, ang Speical Edition, ay nakakukuha lamang ng kalahati ng ratings ng Emergency.

Maliban sa mga manonood, napapansin rin ng mga ahensya ng gobyerno ang paglilingkod ng Emergency sa publiko. Kamakailan, pinasalamatan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos maipaabot sa kanilang atensyon ang tungkol sa mga bagong kinalolokohan ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot. Ginawaran din ito ng National Disaster Coordinating Council ng Gawad Kalasag na ibinibigay sa mga organisasyong aktibo sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa disaster preparedness.

Dalawang ulit na ring nakaabot ito sa finalists status sa The New York Festivals for Film and Television.

Halos pitong taon na ring host ng Emergency si Arnold Clavio. Mula sa mga ulat tungkol sa mga engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebelde sa Mindanao, mga coup at mga kalamidad hanggang sa mga public service at feature-type na mga ulat, ibinabahagi ni Arnold ang impormasyon gamit ang kaniyang sariling istilo sa pamamahayag.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula nang makiisa si Susan Enriquez sa Emergency team. Mula noon, marami na rin siyang nailalantad na mga pagbabanta sa buhay at kaligtasan.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

CITO BELTRAN

DONG PUNO LIVE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FILM AND TELEVISION

GAWAD KALASAG

INSIDE STORY

KORINA SANCHEZ

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with