^

PSN Showbiz

Actor, nilayasan ni misis

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi pa rin pala nagbabago ang sikat na aktor na ito na kilala sa pagiging pabling. Kahit may asawa at anak na ay nanliligaw pa rin ito kaya imbyerna ang non-showbiz wife. Para mabigyan ng leksyon ang babaerong asawa ay nag-alsa balutan si misis at umuwi muna sa bahay ng magulang kasama ang anak.

Pansamantalang huminto sa pambababae ang aktor nang mag-asawa at magkaanak. Pero hindi nagtagal umiral na naman ang pagiging pabling.

Laging ikinakatwiran ng aktor na kahit anong mangyari ay prioridad niya ang pamilya at kahit magluko siya ay sa asawa pa rin siya uuwi kahit anong mangyari.

Wala ngayong pelikula ang aktor pero may mga TV guestings pa rin ito partikular na sa mga talk shows dahil articulate ito at magaling magpatawa. Ang actor ay galing sa angkan ng mga artista at kilala talaga sa pagiging babaero.
Type Ang Simpleng Selebrasyon
Magdiriwang ng kanyang 24th birthday sa July 20 si Claudine Barretto. Gusto niyang maging simple lang ang celebration ngayong taon sa piling ng mga mahal sa buhay.

Ano kaya ang regalo ni Raymart Santiago? Samantala, ayon sa aktres ay wala pa silang planong lumagay sa tahimik ng nobyo. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang magpakasal sila kapag 26 o 27 years old na siya.

Sa kabilang banda, matagal-tagal din pala silang magsusyuting sa Milan, Italy para sa unang tambalan nila ni Piolo Pascual.
Uminom Din Ng Eskinol
Napaluha ako kay Janice de Belen nang inamin nito sa Sis na tinangka niyang magpakamatay noon sa pamamagitan ng pag-inom ng Eskinol. Sa kabutihang palad ay di naman siya tinablan. Ang dahilan ay hindi niya nakayanan ang pressure ng mga taong nasa paligid nila nang magpakasal sila ni John.
Di Magpapalit Ng Image
Taliwas sa ibang sexy actress, ayaw pa ni Maui Taylor na tumigil sa paghuhubad sa pelikula dahil enjoy siya sa pagiging sexy star. "Dito ako nakilala kaya dito muna ako. Isa pa, maganda naman ang mga proyekto kahit sumasabak ako sa maiinit na eksena. Mas gusto pa rin ng mga tao na magpakita ako ng katawan," aniya.

After Masamang Ugat ay muli niyang makakatrabaho si Joel Lamangan sa isang matinding proyekto titled Solita. Balik bold si Maui rito.
Hilig Mag-basa
Na-impress kami nang husto kay Charina Scott na kasama rin sa Click. Nalaman namin na mahilig pala itong magbasa ng mga libro at pocketbooks kaya matalino. Paborito niyang basahin ang The Communist Manifesto ni Karl Max at ang The Little Prince kaya pala napakagaling niyang sumagot sa mga interbyu at malaman ang mga sinasabi.

Tinanong namin ito kung ano ang magiging reaksyon kapag may nasulat na negative issues. Paano niya haharapin ang intriga?

"If ever, hahanapin ko ang sumulat at tatanungin kung bakit siya nagsulat nang walang basehan. Tatanungin ko rin kung saan niya kinuha ang maling balita," aniya.
Maiitim Na Kili-Kili
Napag-uusapan namin minsan ng ilang kapatid sa hanapbuhay ang tungkol sa maiitim na kilikili ng mga artista. Maganda nga naman tingnan kung maputi o makinis ang armpit ng sexy star.

Tanong nga ng mga baklitang reporter ay papaano gaganahang manood ng sexy movies ang kalalakihan kung maitim ang kilikili ng mga sexy stars na nakataas pa mandin ang kamay habang nakikipagromansahan.

Mas maganda sigurong bago pasukin ng mga sexy star ang pag-aartista ay tingnan munang mabuti kung may ipakikita siyang mapuputi at makikinis na kilikili.

Kunsabagay ang ibang produ at director ay hindi na ito pinapansin dahil mas mahalaga sa kanila ang katapangan nilang ibuyangyang ang katawan.

vuukle comment

CENTER

CHARINA SCOTT

CLAUDINE BARRETTO

COMMUNIST MANIFESTO

DI MAGPAPALIT NG IMAGE

HILIG MAG

JOEL LAMANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with