^

PSN Showbiz

Patricia, di paiiwan sa mga baguhang bold star

- Veronica R. Samio -
Talagang pinangangatawanan ni Patricia Javier ang sinasabi niyang hinding-hindi siya paiiwan sa mga nagsusulputang mga bold stars ngayon na malaki ang kabataan sa kanya.

Kahit matagal nang napahinga sa pelikula ay marami siyang gawain na may kinalaman sa pagkanta.

Hindi pa man napapawi ang init na nilikha ng kanyang napaka-kontrobersyal na concert sa FAT ay heto na naman ang mas mainit at mas mabentang VCD na kung saan ay ipinakita na niya ang lahat.

"Wala akong itinago rito. Yung mga hindi nila nakita sa mga pelikula ko, dito makikita nila," ani Patricia during the launching of the VCD na pinamagatang Patricia: Barenaked. "Gusto ko lang ma-maintain ang standing ko laban sa mga bago at mas nakakabatang mga bold stars ngayon," dagdag pa niya.

At habang nagkakahirapan ng paghahanap ng kopya ng kanyang VCD, may pelikula siyang ipalalabas sa June 11, sa Manila Film Festival. Maaaring sabihin na dahil isang action movie ito, ang mga lalaki sa pelikula ang magsi-shine but with Patricia around, pwede ba siyang hindi mapansin?

Ang pelikula na pinamagatang Operation Balikatan ay tungkol sa napapanahong isyu na pagpapalakas ng ating military training at pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas-Amerika. Sa direksyon ni Cirio H. Santiago mula sa Premiere Productions, bibigyan ng emosyon at sigla ang mga tunay na sundalong kasali sa Balikatan Exercises, ng kanilang pamilya at ang epekto nito sa buong komunidad.

Para sa Operation Balikatan, nagsanib ang mga magagaling na local action heroes gaya nina Eddie Garcia, Mayor Rey Malonzo at Monsour del Rosario at ang mga American action stars na sina Christian Boeving, Nate Adams at Davee Youngblood.

Ang Operation Balikatan ay mapapanood sa Hunyo 11 at sa HBO/Cinemax bago matapos ang taong ito.

Kasama rin sa pelikula sina Patricia, bilang asawa ni Malonzo na gumaganap ng isang bemedaled officer na naatasang iligtas ang isang American senator at ang mga kasama nito sa kamay ng mga terorista. Sina Carlo Maceda at Archie Adamos, ang dalawa pang sundalo na nakasama nina Malonzo at Del Rosario sa kanilang mahirap na misyon.

vuukle comment

ARCHIE ADAMOS

BALIKATAN EXERCISES

CARLO MACEDA

CHRISTIAN BOEVING

CIRIO H

DAVEE YOUNGBLOOD

DEL ROSARIO

OPERATION BALIKATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with