^

PSN Showbiz

Paolo, lumutang sa debut movie

- Veronica R. Samio -
Si Sharon Cuneta kasama sina Nora Aunor, Dolphy, Lea Salonga at Fernando Poe, Jr.ay kabilang sa talaan ng "Cultural Icons of the Philippines", isang libro na sinulat ni Visitacion "Chit" R. dela Torre. Nakasama sila dahilan sa kanilang popularidad at talento na nag-iiwan ng lasting imprint sa mga puso at isip ng mga Pinoy.

Sinabi ng may akda na maski si Sharon ay hindi alam kung sino ang nagbigay sa kanya ng Megastar title pero, well-deserved niya ito.

Pinag-uusapan ngayon si Sharon dahilan sa mayroon itong pelikula na nakatakdang mapanood. Ito ang Walang Kapalit kasama si Richard Gomez. Binigyan ito ng Cinema Evaluation Board ng B rating.

Bagaman at ikaanim na pagtatambal na ito nina Sharon at Richard at mayroon silang maiinit na eksena sa pelikula, mas family ang movie kaysa romantic, ang focused nasa kanilang relasyong mag-anak.

Kasama rin sina Paolo Bediones, Miriam Quiambao sa direksyon ni Joel Lamangan.

Sa press preview ng movie na ginanap sa LVN studios, humanga ang marami kay Paolo sapagkat nagawa nitong palutangin ang kanyang pag-arte sa kabila ng pangyayaring unang pelikula niya ito. May eksena rin na nag-shine si Miriam. Romantic ang mga eksena nina Goma at Mega, parang may romansa pa rin sila, dahil give na give sila sa kanilang mga eksena.
*****
Kahit bihirang mabalita si Glenda Garcia, hindi ibig sabihin ay wala siyang trabaho. In fact, katatapos lamang niyang gawin ang Dayo para sa Maverick Films starring Ronnie Ricketts. Tinatapos din niya ang Rice Mill (Kiskisan) para sa Starlight Films. Isang sexy film ito nina Halina Perez at Emilio Garcia.

"Okey na ako sa pagiging kontrabida o suporta, basta huwag lang nila akong paghubarin," pagbibiro ni Glenda na bago pa nagkaroon ng Madame Claudia at Amor Powers sa telenovela ay isa na siyang Leona na kinamuhian ng lahat sa seryeng Valiente.
*****
Kahit abala sa kanyang pagiging bokal sa kanyang lugar si Jojo Veloso ay nagagawa pa rin nitong dumiskubre at mamahala ng mga artista.

Isa sa kanyang mga alaga na may pangalang Arianne Espina, edad 18, ay sumabak na sa maiinit na eksena sa pelikulang Kikay ng El Niño Films na nagtatampok kay Maye Tongco. Unang movie niya ito pero, hindi siya gumamit ng plaster sa kanyang mga lovescenes.

"Kung kaya nila, kaya ko rin," ang matapang na sabi ni Arianne na binigyan ng lovescenes katambal sina Mark Dionisio at ang kapwa niya baguhan na si Ryan Muñoz.

Bukod sa kanyang mga maiinit na eksena kasama ang mga nabanggit na aktor, nag-expose rin ng kanyang boobs sa pelikula si Arianne na ikinagalit ng kanyang manager sapagkat hindi pa niya ito launching.

vuukle comment

AMOR POWERS

ARIANNE

ARIANNE ESPINA

CINEMA EVALUATION BOARD

CULTURAL ICONS OF THE PHILIPPINES

EL NI

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with