Aubrey, afraid kina Patrcia at Daisy?
April 4, 2003 | 12:00am
Kung tutuusin, malaking bentahe kay Aubrey Miles na gumawa ng album ng naughty songs dahil sa kanyang pagiging bold star. Pero pinagkasunduan ng Prime Records at ng kampo ni Aubrey, tutal naman ay may boses ito ay hindi na niya kailangang makipagsabayan kina Daisy Reyes at Patricia Javier. Ito na raw ang panahon para makilala si Aubrey bilang isang singer. Bestfrend days pa lang ay kumakanta na talaga siya.
Nag-aral siya sa college of music sa UST na dini-deny ngayon ng UST.
Marunong ding tumugtog ng piano si Aubrey at balak niyang pag-aralang bumasa ng notes.
"Okey lang sa akin kung kumanta ng mga sexy songs. Pero dahil ginagawa ko na ito sa movie, baka magsawa na ang tao. Para naman malaman din nila ang iba ko pang talent bukod sa acting. Sa album ko makikilala ng mga tao ang other side of Aubrey. Talagang serious songs lahat ito," kwento ni Aubrey.
Isang kanta na lang ang kulang sa ginagawang album ni Aubrey na iri-release sa buwan ng Mayo.
Maganda ang duet nila ni Bituin Escalante na "Bakit Nga Ba Hindi".
Ang napansin ko lang sa album ay parang hindi nagbabago ang boses ni Dexter sa lahat ng kanta. Ang album na "Dexter: Puso sa Puso" ay release ng Viva Records.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















