^

PSN Showbiz

Jolina, mapuno kaya ang Araneta Coliseum?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dapat ay sa Pebrero idaraos ang first major concert ni Jolina Magdangal sa Araneta Colisuem pero nailipat ito sa Marso 1. May mga nagtatanong kung mapuno kaya ng magaling na singer-actress ang venue. Sa isang pakikipagkwentuhan kay Daddy Jun (ama ni Jolens) ay sinabi nitong naniniwala sila na maraming tatangkilik sa concert ng kanyang anak dahil may following na ito. "Noong nakaraang Sinulog Festival sa Cebu ay nagkaroon ito ng concert sa Cebu Sports Center at napuno ito ng mga tao na tinatayang mga 35,000 ang bilang. Kaya umaasa rin kami na mapupuno rin ang concert nito sa Araneta," aniya.

Sa kabilang banda ay hinihintay pa nila ang final negotiation tungkol sa soap opera na gagawin ni Jolens sa Syete. Ngayon pa lang ay iniintriga na si Jolens kung saan sinasabing lalala ang kanilang sinasabing away ni Angelika dela Cruz dahil malalaman kung sino ang tunay na reyna sa GMA 7.

Ano ang reaksyon dito ng aktres? "Naku, hindi po totoo yan. Magkaibigan kaming dalawa ni Angelika at hindi namin pinapansin ang anumang intriga tungkol sa amin. Ayaw naming masira ang aming friendship. Kaya never kaming papatol sa ganyang negatibong balita. Basta masaya kami ni Angel at matatag ang aming pagkakaibigan," ani Jolens.

Sa kabilang banda, hinihintay na rin ng kampo ni Jolina ang pasabi mula kay Fernando Poe Jr. para masimulan ang proyekto nilang dalawa. Ito ang dream project ni Jolens kung saan matagal na niyang pangarap na makasama ang hari ng pelikulang Tagalog. May offer din ang Viva Films kay Jolens para gawin ang Annie Batungbakal. Bukod sa Kahit Kailan ay ratsada pa rin ito sa mga TV appearances at mga shows sa loob at labas ng bansa.

"Totoo bang ayaw mo pang magkanobyo ang iyong anak?" tanong ko kay Daddy Jun.

"Nasa tamang edad na si Jolina para makapagdesisyon. Marami namang nanliligaw pero hanggang ngayon ay hindi pa niya mapili ang lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya. Kahit tinutukso sila ni James Blanco ay mabuting magkaibigan pa rin ang kanilang pagtuturingan. Sinusundo siya nito kapag may taping sila at lumalabas din for a date pero may kasama silang ibang barkada. Enjoy naman ang dalawa sa mga lakaran. Let’s wait and see na lang kung totoo ngang nililigawan nito ang aking anak," sey pa ni Daddy Jun.
Lorna, Hiwalay Ba Kay Daboy?
Pinabulaanan ni Lorna Tolentino ang balitang nagkakalabuan na sila ni Rudy Fernandez. "Naipalabas na ang pelikula nila kaya siguro matitigil na ang intriga sa aming mag-asawa. Hindi totoo ang balita at masaya ang aming pamilya. Magkatabi pa rin kaming natutulog," aniya.
Mark, Tinablan Sa Maiinit Na Eksena
Guwapo at bata pa ang pinasisikat na sexy actor ng El Niño Films na si Mark Dionisio. Naging First runner-up ito sa Mr. & Miss Body Beautiful noong 1998. May talino naman sa pag-arte ang 22-year old talent ni Bing Tongco dahil nag-workshop ito sa Balintataw. Pangarap din niyang lumabas sa stage play para lalo pang mahasa sa pag-arte.

Inamin ni Mark na bata pa ay mahilig na siyang mag-artista at kahit maghubad ay kaya nito basta’t sumikat lang. Kaya naman sa pelikulang Matamis Hanggang Dulo ay may maiinit na eksena ito kay Yda Manzano at si Maye Tongco. "May relasyon kami ni Yda sa movie kung saan mas torrid ang mga eksena kaysa kay Maye. Hindi ako naglagay ng plaster sa aking ari dahil masakit kapag tinanggal. Hindi rin naglagay ng plaster si Maye kaya na-turn on ako sa kanya," sey nito.

Fourth year na sa college si Mark sa PSBA kung saan kumukuha ito ng Management nang huminto muna dahil sa pag-aartista. "Sayang kasi ang pagkakataon. Minsan lang ito kung dumating sa buhay. Pero ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral balang araw. May follow-up movie na ako titled Malagkit. Type kong makapareha balang araw si Aubrey Miles kasi ang lakas ng dating niya sa akin," pagtatapos pa nito.
Blind Item: Ayaw Nang Makasama Ang Aktor-Pulitiko Sa Pelikula
Akala namin ay magkaibigan ang dalawang aktor na ito na mga pulitiko dahil gagawa sila ng international movie. Pero tinabangan na si aktor-pulitiko A dahil sa panlalait sa kanyang pelikula ni aktor pulitiko B. Feeling ni A ay sinabotahe ang kanyang makabuluhang pelikula na hindi nabigyan ng pagpapahalaga sa nakaraang award-giving body kung saan ang punong-abala ay si B.

Dahil sa pangyayari ay ayaw nang makasama ni Actor-Pulitiko A si B sa pelikula na gagawin nila this year. Magko-concentrate na lang si A sa isang period movie na siya rin ang bida kung saan magiging abala na ito sa syuting this month.

Feeling tuloy ng ilang baklitang reporter ay nainsekyur si B kay A dahil mas popular it at mas ma-PR lalo na sa media.

vuukle comment

DADDY JUN

DAHIL

JOLENS

KAY

KAYA

KUNG

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with