^

PSN Showbiz

Galit ang mga Vilmanians!

-
Halos pumutok ang buong PICC nung Dec. 27 habang ginaganap ang Awards Night ng MMFFP 2002 dahil sa suportang ipinakita ng mga Vilmanians para sa kanilang iniidolong Star for All Seasons na si Mayor Vilma Santos-Recto.

Umaasa kasi ang mga Vilmanians na ang kanilang iniidolong si Ate Vi ang tatanghaling Best Actress para sa mahusay nitong pagkakaganap sa pelikulang Dekada ‘70. Bawat kategorya na tinatawag ang pelikulang Dekada ‘70 ay humihiyaw at pumapalakpak ang mga ito.

Pero, ikinagulat nila ang naging resulta na si Ara Mina ang tinanghal na Best Actress at hindi ang kanilang iniidolo. Marami sa mga Vilmanians ang nag-alisan, merong nalungkot, merong naiyak at umuwing bigung-bigo. Hindi nila matanggap na ang pipitsuging isang Ara Mina lamang daw ang tatalo sa kanilang idolo. Okey lang kung si Maricel Soriano ang tumalo kay Ate Vi huwag lang daw ang isang Ara Mina. Nagbanta pa ang ilang mga Vilmanians na ibo-boycott nila ang pelikulang Mano Po at iba pang mga pelikula ng MAQ at Regal Films.

Galit ang naramdaman ng ilang mga Vilmanians hinggil sa naging resulta bagama’t meron namang nagsasabing well-deserved ang award para kay Ara Mina. BAC

vuukle comment

ALL SEASONS

ARA MINA

ATE VI

AWARDS NIGHT

BEST ACTRESS

DEKADA

MANO PO

MARICEL SORIANO

MAYOR VILMA SANTOS-RECTO

VILMANIANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with