May professional rivalry ba between Bryan and Jolo?
January 1, 2003 | 12:00am
Walang pagyayabang na sinabi ni Bong Revilla sa mga dumalong members ng entertainment press sa ipinang-imbita niyang luncheon nung Lunes ng tanghali na wala pa siyang nakikita o nababalitaang pirated tapes ng mga pelikula na ipinalalabas sa Metro Manila Film Festival Philippines.
"Talagang pinababantayan ko at ipinahahanap kung magkakaroon ng mga kopya. Talagang huhulihin ko sila. Hindi biro ang ginastos ng mga movie producers to come up with quality movies na pang-festival, tapos sisirain lamang nila. So far, so good.
"Kung tutuusin, napakarami nang kopya ang nakukumpiska namin, bilyon na. After yung last na pagsira namin sa Camp Crame, hindi pa namin nasisira yung mga na-raid namin. Pero, may mga naka-schedule na pagwasak dito. Immediately, after the holiday season. Hindi ako pwedeng mag-relax dahil hindi basta-basta ang kalaban. Mabilis silang mag-recopy pero, binabantayan ko sila. Madalas akong mag-conduct ng raid. Pasasaan bat malilipol din sila.
"Mahirap na trabaho ito, napakalakas ng temptation pero, kapag nagduda na ako sa mga taong pinagagalaw ko, tinatanggal ko agad. Kahit may ranggo pa."
Sinabi ni Bong na dadagdagan pa ng Imus Productions ang output nito, ang mga ginagawang pelikula. "Kung last year, naka-tatlo kami, maaaring mas higit pa this year. Pero, hindi ako palagi ang lalabas.
"May plans ako na pagdirekin si Rico Gutierrez ng movie. Baka hawakan niya ang isang Matrix type film. Pinag-aaralan na niya ito ngayon.
Agimat: Anting Anting ni Lolo is still making money at the box-office. "Salamat naman, para madagdagan ang pera ng Imus at makagawa pa kami ng mas maraming pelikula.
"Di bale nang hindi kami nagka-award. Ang mahalaga, tinatangkilik ito ng tao. At pwera yabang, hindi naman pipitsugin ang aming pelikula. Hindi naman kontento ang mga manonood sa basta-basta pelikula. Naghahanap na sila ng maganda at ito ang balak namin sa Imus, ang gumawa ng dekalidad na pelikula," pagtatapos niya.
Hindi lamang naman si Bong ang natutuwa sa naging tagumpay ng Agimat kundi maging ang dalawa niyang anak, sina Jolo at Bryan Revilla. Yes, maski na si Bryan na sa halip na mainggit sa matagumpay na paglulunsad sa kanyang nakababatang kapatid ay puspusan pang tumulong sa promosyon ng pelikula.
Sinabi ni Jolo na wala siyang nakikitang pagkainggit sa kanyang "kuya".
"Hindi kasi namin pinag-uusapan ang pelikula o ang aming career sa bahay. At saka hindi ko pa naman masasabing successful na ako. Nagkataon lamang na napasama ako sa isang successful project na kung saan naroon ang lolo ko, my dad and a lot of stars. Hindi ako lang.
"Maganda ang movie namin although nakita ko rin na gusto ng moviegoers ang team-up namin ni Shaina (Magdayao). Ang dami nga na nagsasabi na igawa kami ni dad ng isang bagets movie. Ewan ko, di ako nakikialam dito, sila ang bahala rito. Ako maghihintay na lang ng assignment. Pero, according to dad, priority ko pa rin ang studies ko. Buti na lang nataon ang Agimat sa Christmas holidays. After the new year, lay low na naman ako in favor of school."
May balitang nakarating sa akin na interesado ang ABS-CBN kay Jolo. Kapag nagkataon, magiging problema ito dahil interesado rin daw ang GMA sa batang Revilla.
Maswerte naman si Carlos Morales dahil parehong malalaking entry ang nasalihan niya sa MMFFP.
Malaki ang role niya sa Agimat bilang main kontrabida ni Bong. Kontrabida rin siya sa Hula Mo, Huli Ko ni Rudy Fernandez.
Bagaman at naging bida na rin si Carlos at nakapag-uwi ng Best Actor award sa Star Awards para sa pelikulang Laro Sa Baga kasama si Ara Mina, walang tanung-tanong at buong pagmamalaki niyang tinanggap ang role ng isang misteryosong doktor na namumuno ng isang kulto sa Hula Mo, Huli Ko.
"Okey na maging kontrabida ng mga malalaking actor like Bong and Daboy. Im proud to have worked with them. Maganda ang trato nila sa akin at binigyan nila ng kahalagahan ang mga nagawa ko na," ani Carlos.
Sina Carlos at Jenine Desiderio ang mga matatawag na "the other stars" ng Hula Mo, Huli Ko na nagtatampok din kay Rufa Mae Quinto bilang leading lady ni Daboy.
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended