^

PSN Showbiz

Kakaibang Jeffrey Quizon

-
Kakaibang Jeffrey Quizon nga ang mapapanood bilang Stryker sa malaking proyekto na ito mula sa OctoArts Films at M-Zet Productions. Ito ay ang remake ng Mars Ravelo’s Lastikman.

Sa pelikula ay dalawang character ang ginagampanan ni Jeffrey: isa ay ang nerdy na si Jepoy na parating inaapi ng kanyang schoolmates at ang isa ay si Stryker, ang numero unong kalaban ni Lastikman.

"Mahirap na gampanan ang dalawang characters sa isang movie. Si Jepoy ay computer genius na student ni Professor Larry at fan ni Lastikman, na parehong roles ni Vic Sotto. Mahirap in a way pero masaya siyang gawin. Kahit sa costume na sinuot ko as Stryker ay kakaiba. Na-challenge ako nang husto sa role ko rito sa movie."

First time ngang makatrabaho ni Jeffrey ang sikat na TV-movie comedian na si Vic Sotto. Naalala pa ni Jeffrey ang first time niyang makilala si Vic noong siya’y 18 years old pa lang.

"Na-intimidate ako sa kanya. Noong time na ’yon, isa siya sa top comedians ng bansa. Mabait siya at marami siyang sinabing maganda about my dad na si Dolphy. Ang maganda kay Vic ay siya ’yung tipong hindi nago-overplay kapag nagpapatawa. Tama lang ang timpla niya kumbaga. Magugustuhan ng mga bata itong Lastikman kasi hindi lang ito puro special effects kundi may aral pa para sa kanila."

Isa si Jeffrey Quizon sa pinagmamalaki ng local film industry. Nagwagi lang naman siya ng 8 awards para sa role niya as the young Markova sa pelikulang Markova: Comfort Gay. Ang pinaka-coveted ay ang trophy from the Belgium International Film Festival where he, Eric Quizon and Dolphy won Best Actor/Best Actress. Sa TV, mainstay siya sa sitcom na Daboy En Da Girl, ang travel show na Road Trip (RPN 9) at sa bagong GMA-7 soap na Hawak Ko Ang Langit.

vuukle comment

BELGIUM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

COMFORT GAY

JEFFREY

JEFFREY QUIZON

LASTIKMAN

STRYKER

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with